Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.
19 Nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos ang kalangitan,
at ang mga gawa ng kanyang kamay ay inihahayag ng kalawakan.
2 Sa araw-araw ay nagsasalita,
at gabi-gabi ay nagpapahayag ng kaalaman.
3 Walang pananalita o mga salita man;
ang kanilang tinig ay hindi narinig.
4 Ngunit(A) lumalaganap sa buong lupa ang kanilang tinig,
at ang kanilang mga salita ay hanggang sa dulo ng daigdig.
Sa kanila ay naglagay siya ng tolda para sa araw,
5 na dumarating na gaya ng kasintahang lalaki na papalabas sa kanyang silid,
at nagagalak gaya ng malakas na tao na tumatakbo sa takbuhan.
6 Ang kanyang pagsikat ay mula sa dulo ng mga langit,
at sa mga dulo niyon ay ang kanyang pagligid,
at walang bagay na nakukubli sa kanyang init.
Ang Kautusan ng Diyos
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal,
na nagpapanauli ng kaluluwa;
ang patotoo ng Panginoon ay tiyak,
na nagpapatalino sa kulang sa kaalaman.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid,
na nagpapagalak sa puso;
ang utos ng Panginoon ay dalisay,
na nagpapaliwanag ng mga mata.
9 Ang pagkatakot sa Panginoon ay malinis,
na nananatili magpakailanman:
ang mga kahatulan ng Panginoon ay totoo
at lubos na makatuwiran.
10 Higit na dapat silang naisin kaysa ginto,
lalong higit kaysa maraming dalisay na ginto;
higit ding matamis kaysa pulot
at sa pulot-pukyutang tumutulo.
11 Bukod dito'y binalaan ang iyong lingkod sa pamamagitan nila;
sa pagsunod sa mga iyon ay may dakilang gantimpala.
12 Sinong makakaalam ng kanyang mga kamalian?
Patawarin mo ako sa mga pagkakamaling di nalalaman.
13 Ilayo mo rin ang iyong lingkod sa mga mapangahas na pagkakasala.
Huwag mong hayaang ang mga iyon ay magkaroon ng kapangyarihan sa akin!
Kung gayo'y magiging matuwid ako,
at magiging walang sala sa malaking paglabag.
14 Nawa'y ang mga salita ng bibig ko, at ang pagbubulay-bulay ng aking puso
ay maging katanggap-tanggap sa paningin mo,
O Panginoon, ang aking malaking bato at manunubos ko.
15 Nakapapawi ng poot ang sagot na malumanay,
ngunit nagbubunsod sa galit ang salitang magaspang.
2 Ang dila ng marunong ay nagbabadya ng kaalaman;
ngunit ang bibig ng mga hangal ay nagbubuhos ng kahangalan.
3 Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawat panig,
sa masama at sa mabuti ay nagmamasid.
4 Punungkahoy ng buhay ang dilang mahinahon,
ngunit nakakasira ng espiritu ang kalikuan niyon.
5 Hinahamak ng hangal ang turo ng kanyang ama,
ngunit ang sumusunod sa pangaral ay may karunungan.
6 Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan,
ngunit sa mga pakinabang ng masama ay may dumarating na kaguluhan.
7 Ang mga labi ng marunong ay nagsasabog ng kaalaman,
ngunit hindi gayon ang mga puso ng hangal.
8 Ang handog ng masama, sa Panginoon ay kasuklamsuklam,
ngunit ang dalangin ng matuwid ay kanyang kaluguran.
9 Ang lakad ng masama, sa Panginoon ay kasuklamsuklam,
ngunit iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran.
10 May mabigat na disiplina sa taong lumilihis sa daan,
at siyang namumuhi sa saway ay mamamatay.
11 Ang Sheol at ang Abadon[a] ay nakalantad sa Panginoon;
lalong higit pa ang puso ng mga tao!
12 Ayaw ng manlilibak na siya'y maiwasto,
siya'y hindi magtutungo sa matalino.
13 Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha,
ngunit sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa.
14 Ang isip ng may unawa ay humahanap ng kaalaman,
ngunit ang bibig ng mga hangal ay kumakain ng kahangalan.
15 Lahat ng mga araw ng naaapi ay kasamaan,
ngunit siyang may masayahing puso ay laging may kapistahan.
16 Mas mabuti ang kaunti kung may takot sa Panginoon,
kaysa malaking kayamanan na may kaguluhan doon.
17 Mabuti pa ang pagkaing gulay na may pag-ibig,
kaysa pinatabang baka na may poot na kalakip.
17 Sa(A) pamamagitan ng pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay kanyang inihandog si Isaac. Siya na tumanggap ng mga pangako ay handang maghandog ng kanyang bugtong na anak,
18 na(B) tungkol sa kanya ay sinabi, “Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi.”
19 Itinuring niya na maging mula sa mga patay ay maaaring buhayin ng Diyos ang isang tao, at sa matalinghagang pananalita, siya'y muli niyang tinanggap.
20 Sa(C) pananampalataya, binasbasan ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na mangyayari.
21 Sa(D) pananampalataya, si Jacob nang mamamatay na ay binasbasan niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose, at sumamba sa ibabaw ng kanyang tungkod.
22 Sa(E) pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose ay binanggit niya ang tungkol sa paglikas ng mga Israelita, at nagbilin tungkol sa kanyang mga buto.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001