Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Maikli ang Buhay ng Tao
14 “Ang tao, na ipinanganak ng babae
ay may kaunting araw, at punô ng kaguluhan.
2 Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta;
siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3 At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito,
at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo?
4 Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi?
Walang sinuman.
5 Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na,
at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo,
at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6 ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto,
upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.
7 “Sapagkat may pag-asa sa isang punungkahoy,
na kung ito'y putulin ay muling sisibol,
at ang sariwang sanga niyon ay hindi hihinto.
8 Bagaman ang kanyang ugat ay tumanda sa lupa,
at ang tuod niyon ay mamatay sa lupa;
9 gayunma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol iyon,
at magsasanga na gaya ng batang halaman.
10 Ngunit ang tao ay namamatay at ibinabaon;
ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan siya naroon?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 gayon ang tao ay humihiga at hindi na bumabangon;
hanggang sa ang langit ay mawala, siya'y hindi na muling magigising,
ni mapupukaw man sa kanilang pagkakatulog.
13 O sa Sheol ay ikubli mo ako nawa,
itago mo ako hanggang sa ang iyong poot ay mawala,
takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at ako'y iyong alalahanin!
14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pagpupunyagi ay ipaghihintay ko,
hanggang sa dumating ang pagbabago ko.
Parusa, Pagsisisi at Pag-asa
3 Ako ang taong nakakita ng pagdadalamhati
dahil sa pamalo ng kanyang poot.
2 Itinaboy niya ako at dinala sa kadiliman, at hindi sa liwanag;
3 tunay na laban sa akin
ay kanyang paulit-ulit na ipinihit ang kanyang kamay sa buong maghapon.
4 Pinapanghina niya ang aking laman at aking balat,
at binali niya ang aking mga buto.
5 Sinakop at kinulong niya ako
sa kalungkutan at paghihirap.
6 Pinatira niya ako sa kadiliman,
gaya ng mga matagal nang patay.
7 Binakuran niya ako upang ako'y hindi makatakas;
pinabigat niya ang aking tanikala.
8 Bagaman ako'y dumaraing at humihingi ng tulong,
kanyang pinagsasarhan ang aking panalangin;
9 kanyang hinarangan ang aking mga daan ng tinabas na bato,
kanyang iniliko ang mga landas ko.
19 Alalahanin mo ang aking paghihirap at ang aking kapaitan,
ang katas ng mapait na halaman at ng apdo.
20 Patuloy itong naaalala ng aking kaluluwa
at yumuyuko sa loob ko.
21 Ngunit ito'y naaalala ko,
kaya't mayroon akong pag-asa:
22 Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw,
ang kanyang mga habag ay hindi natatapos;
23 sariwa ang mga iyon tuwing umaga,
dakila ang iyong katapatan.
24 “Ang Panginoon ay aking bahagi,” sabi ng aking kaluluwa;
“kaya't ako'y aasa sa kanya.”
Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.
31 Sa iyo, O Panginoon, ako'y humahanap ng kanlungan;
huwag mong hayaang ako'y mapahiya kailanman;
iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong katuwiran!
2 Ikiling mo ang iyong pandinig sa akin;
iligtas mo ako agad!
Maging batong kanlungan ka nawa sa akin,
isang matibay na muog upang ako'y iligtas.
3 Oo, ikaw ang aking malaking bato at aking tanggulan;
alang-alang sa iyong pangalan ako'y iyong akayin at patnubayan.
4 Alisin mo ako sa bitag na kanilang lihim na inilagay para sa akin;
sapagkat ikaw ang aking kalakasan.
15 Ang aking mga panahon ay nasa iyong kamay;
iligtas mo ako sa mga umuusig sa akin at sa kamay ng aking mga kaaway!
16 Sa iyong lingkod, mukha mo nawa'y magliwanag,
iligtas mo ako ng iyong pag-ibig na tapat!
Mga Binagong Buhay
4 Kung paanong si Cristo ay nagdusa sa laman ay sandatahan din naman ninyo ang inyong sarili ng gayong pag-iisip, sapagkat ang nagdusa sa laman ay tapos na sa kasalanan,
2 upang hindi na kayo mamuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa masasamang pagnanasa ng mga tao, kundi sa kalooban ng Diyos.
3 Sapat na ang nakaraang panahon sa paggawa ninyo ng mga gustong gawin ng mga Hentil, na namumuhay sa kahalayan, masasamang pita, paglalasing, kalayawan, pag-iinuman, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.
4 Sila ay nagtataka na kayo ay hindi na nakikisama sa gayong labis na kaguluhan, kaya't kayo'y nilalait nila.
5 Ngunit sila'y magbibigay-sulit sa kanya na handang humatol sa mga buháy at sa mga patay.
6 Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay, upang bagaman sila'y nahatulan sa laman na gaya ng mga tao, ay mabubuhay sila sa espiritu tulad ng Diyos.
Mga Katiwala ng mga Kaloob ng Diyos
7 Ngunit ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na,[a] kaya kayo'y magpakatino at magpigil sa sarili alang-alang sa inyong mga panalangin.
8 Higit(A) sa lahat, magkaroon kayo ng maningas na pag-ibig sa isa't isa, sapagkat ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.
Inilibing si Jesus(A)
57 Kinagabihan, dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na ang pangalan ay Jose, na naging alagad din ni Jesus.
58 Pumunta ang taong ito kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. At ipinag-utos ni Pilato na ibigay iyon.
59 Kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya iyon ng isang malinis na telang lino,
60 at inilagay sa kanyang sariling bagong libingan, na kanyang inukit sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at siya'y umalis.
61 Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.
Binantayan ang Libingan
62 Kinabukasan, pagkatapos ng araw ng Paghahanda, ang mga punong pari at ang mga Fariseo ay nagpulong sa harapan ni Pilato,
63 na(B) nagsasabi, “Ginoo, natatandaan namin na sinabi ng mandarayang iyon nang nabubuhay pa siya, ‘Pagkaraan ng tatlong araw ay babangon akong muli.’
64 Kaya't ipag-utos mo na bantayan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka pumaroon ang kanyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa mga tao, ‘Siya'y bumangon mula sa mga patay,’ at magiging masahol pa ang huling pandaraya kaysa una.”
65 Sinabi ni Pilato sa kanila, “Mayroon kayong bantay,[a] humayo kayo, bantayan ninyo sa paraang alam ninyo.”
66 Kaya't sila'y pumaroon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.
Paglilibing kay Jesus(A)
38 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na taga-Arimatea, na isang lihim na alagad ni Jesus, dahil sa takot sa mga Judio, ay nakiusap kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus, at siya'y pinahintulutan ni Pilato. Kaya't siya'y pumunta roon at kinuha ang kanyang bangkay.
39 Dumating(B) din si Nicodemo, na noong una ay lumapit sa kanya noong gabi, na may dalang pinaghalong mira at mga aloe, halos isandaang libra ang timbang.
40 Kinuha nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga telang lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.
41 Sa lugar ng pinagpakuan sa kanya ay may isang halamanan, at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailanma'y hindi pa nalalagyan ng sinuman.
42 Kaya't dahil sa Paghahanda ng mga Judio, sapagkat malapit ang libingan, ay kanilang inilagay doon si Jesus.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001