Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 38 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 30:18-26' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 14:8-18

Sa Listra

Sa Listra ay may isang lalaking kailanma'y hindi makalakad sapagkat lumpo na mula nang ipanganak. Nakinig siya sa pangangaral ni Pablo. Nang titigan siya ni Pablo at makitang mayroon siyang pananampalataya upang mapagaling, 10 malakas niyang sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” Lumukso ang lalaki at nagsimulang maglakad. 11 Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, nagsigawan sila sa wikang Licaonia, “Bumaba sa atin ang mga diyos sa anyong tao!” 12 Tinawag nilang Zeus si Bernabe at Hermes si Pablo, sapagkat siya ang pangunahing tagapagsalita. 13 Nagdala ng mga baka at ng mga bulaklak sa pintuan ng lungsod ang pari ni Zeus na ang templo ay nasa harap ng lungsod, sapagkat siya, kasama ng napakaraming tao, ay nais maghandog sa mga apostol.

14 Ngunit nang marinig ito ng mga apostol na sina Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang mga damit at sumisigaw na tumakbo sa gitna ng mga tao, 15 “Mga (A) ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga ito? Mga tao rin kaming gaya ninyo! Ipinangangaral namin sa inyo ang Magandang Balita upang talikuran na ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan at magbalik-loob kayo sa buháy na Diyos, ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon. 16 Noong nakaraang mga panahon ay hinayaan niyang lumakad ang lahat ng mga bansa sa kanilang mga sariling daan. 17 Gayunma'y hindi niya hinayaang mawalan siya ng saksi sa mga kabutihang kanyang ginawa. Binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng mga masaganang panahon; binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuno ng kagalakan ang inyong mga puso.” 18 Sa kabila ng mga salitang ito'y bahagya lamang nilang napigil ang napakaraming tao sa paghahandog sa kanila.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.