Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Joel 2:1-2' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Joel 2:12-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 58:1-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 51:1-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Corinto 5:20-6:10

20 Kaya nga kami ay mga sugo para kay Cristo, na parang ang Diyos mismo ang nakikiusap sa pamamagitan namin. Nakikiusap kami sa inyo, alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos. 21 Itinuring niyang nagkasala siya na hindi nakaranas ng kasalanan, upang sa pamamagitan niya, tayo'y ituring na matuwid sa harapan ng Diyos.

Bilang mga kamanggagawa ng Diyos, nagsusumamo kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagtanggap ninyo ng kanyang biyaya. Sapagkat (A) sinasabi niya,

“Sa tamang panahon ikaw ay aking pinakinggan,
    at sa araw ng kaligtasan ikaw ay aking tinulungan.”

Ngayon na ang tamang panahon; ngayon na ang araw ng kaligtasan. Hindi kami nagbibigay ng dahilan upang ang sinuman ay matisod, upang hindi mapintasan ang aming paglilingkod. Kundi, sa lahat ng mga bagay, bilang mga lingkod ng Diyos, sinisikap naming maging kagalang-galang. Ito'y kahit sa gitna ng maraming pagtitiis, mga pagdurusa, mga paghihirap, at mga kalungkutan, sa (B) mga pagkabugbog, mga pagkabilanggo, mga kaguluhan, mga pagpapagal, mga pagpupuyat, at sa pagkagutom. Maging sa katapatan, kaalaman, pagtitiyaga, at kagandahang-loob; sa Banal na Espiritu at sa pag-ibig na hindi pakunwari; sa pagsasalita ng katotohanan at sa kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit namin ang mga sandata ng katuwiran sa kaliwa't kanan, kahit ito'y humantong sa karangalan o kahihiyan, sa panlalait o sa papuri ng kapwa. Nananatili kaming tapat kahit itinuturing kaming mga huwad; kahit kilala, itinuturing na mga hindi kilala; tulad sa mga naghihingalo, gayunma'y nabubuhay; tulad sa mga pinaparusahan, ngunit hindi pinapatay; 10 tulad sa mga nalulungkot, subalit laging natutuwa; tulad sa mga dukha, subalit maraming pinayayaman, tulad sa mga walang-wala, subalit mayroon ng lahat ng bagay.

Mateo 6:1-6

Turo tungkol sa Paglilimos

“Tiyakin ninyo na ang paggawa ninyo ng mabuti ay hindi pakitang-tao lamang. Kung hindi ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit. Kaya't kapag nagbibigay ka sa mga dukha, huwag kang magpapatugtog ng trumpeta sa harapan mo, tulad ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sila'y parangalan ng mga tao. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nagbibigay ka sa mga dukha, huwag mong ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, upang maging lihim ang iyong pagbibigay. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa ginawa mo nang lihim.

Turo tungkol sa Pananalangin(A)

“Kapag kayo'y nananalangin, huwag ninyong tularan ang mga mapagkunwari; sapagkat gustung-gusto nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan, upang sila'y makita ng mga tao. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. Subalit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid, isara mo ang pintuan, at manalangin ka sa iyong Amang hindi nakikita. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa mga lihim na bagay.

Mateo 6:16-21

Turo tungkol sa Pag-aayuno

16 “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot gaya ng mga mapagkunwari, sapagkat pinalulungkot nila ang kanilang mga hitsura upang mahalata ng iba na sila ay nag-aayuno. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos ka, 18 upang ang pag-aayuno mo ay hindi makita ng iba maliban ng iyong Amang hindi nakikita. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.

Ang Kayamanan sa Langit(A)

19 “Huwag kayong mag-impok para sa inyong mga sarili ng mga kayamanan dito sa lupa, kung saan ang bukbok at kalawang ay sumisira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakapanloloob at nakapagnanakaw. 20 Sa halip ay mag-impok kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan ang bukbok at ang kalawang ay hindi makakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakapanloloob at nakapagnanakaw. 21 Sapagkat kung saan nakalagak ang iyong kayamanan, doon din naman malalagak ang iyong puso.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.