Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mikas 6:1-8

Ang pakikipagsalungatan ng Panginoon sa kaniyang bayan.

Dinggin ninyo ngayon kung ano ang sinasabi ng Panginoon: Bumangon ka, makipagkaalit ka sa harap ng mga bundok, at dinggin ng mga burol ang iyong tinig.

Dinggin ninyo, Oh ninyong mga bundok, (A)ang usap ng Panginoon, at ninyo na mga matibay na patibayan ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay (B)may usap sa kaniyang bayan, at kaniyang ipakikipagtalo sa Israel.

Oh bayan ko, anong ginawa ko sa iyo? at sa ano kita pinagod? sumaksi ka laban sa akin.

Sapagka't ikaw ay aking iniahon (C)mula sa lupain ng Egipto, at tinubos kita sa bahay ng pagkaalipin; at aking sinugo sa unahan mo si Moises, si Aaron, at si Miriam.

Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon (D)kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo (E)mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.

(F)Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?

(G)Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? (H)ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

Kaniyang ipinakilala sa (I)iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.

Mga Awit 15

Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.

15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
(D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
(F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.

1 Corinto 1:18-31

18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (A)nangapapahamak; nguni't (B)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (C)nangaliligtas.

19 Sapagka't nasusulat,

(D)Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong,
At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.

20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid (E)sa sanglibutang ito? hindi baga (F)ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

21 Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.

22 (G)Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:

23 Datapuwa't ang (H)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (I)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;

24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (J)kapangyarihan ng Dios, at (K)ang karunungan ng Dios.

25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.

26 Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y (L)pagkatawag, mga kapatid, na (M)hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:

27 Kundi pinili ng Dios (N)ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;

28 At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, (O)oo at ang mga bagay na walang halaga (P)upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:

29 Upang walang (Q)laman na magmapuri sa harapan ng Dios.

30 Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang (R)karunungang mula sa Dios, at (S)katuwiran at (T)kabanalan, (U)at katubusan:

31 Na, ayon sa nasusulat, (V)Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.

Mateo 5:1-12

At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (A)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:

At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,

(B)Mapapalad ang mga (C)mapagpakumbabang-loob: (D)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mapapalad ang (E)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Mapapalad ang maaamo: sapagka't (F)mamanahin nila ang lupa.

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Mapapalad ang mga may (G)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

10 Mapapalad (H)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (I)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978