Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
6 (A)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(B)Sa balumbon ng aklat ay (C)nakasulat tungkol sa akin:
8 (D)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (E)nasa loob ng aking puso.
9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (F)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (G)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (H)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (I)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (J)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (K)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (L)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (M)mangagsabi nawang palagi,
(N)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (O)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (P)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.
Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.
12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (A)Ako nga; (B)ako ang una, ako rin ang huli.
13 Oo, ang aking kamay ay siyang (C)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.
14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (D)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (E)Siyang iniibig ng Panginoon ay (F)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (G)Caldeo.
15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (H)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.
16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (I)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (J)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.
17 Ganito ang sabi ng (K)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (L)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:
19 Ang (M)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (N)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (O)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (P)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (Q)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
14 (A)Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo (B)ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo?
15 At sinabi sa kanila ni Jesus, (C)Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.
16 At sinoma'y hindi nagtatagpi ng bagong kayo sa damit na luma; sapagka't ang tagpi ay bumabatak sa damit, at lalong lumalala ang punit.
17 Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok (D)ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978