Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 106:40-48' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Jeremias 10:17-25' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 20:45-21:4

Ang Babala tungkol sa mga Tagapagturo ng Kautusan(A)

45 Habang nakikinig ang lahat ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 46 “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig maglakad na suot ang mahabang damit at gustung-gusto nilang pagpugayan sila sa mga pamilihan. Gustung-gusto rin nila ang mga pangunahing upuan sa sinagoga at mga upuang pandangal sa mga piging. 47 Kinakamkam nila ang mga tahanan ng mga babaing balo at kunwari'y nananalangin nang mahahaba. Mas matinding parusa ang tatanggapin ng mga taong iyan.”

Ang Handog ng Babaing Balo(B)

21 Nang tumingala siya, nakita niya ang mayayaman na naglalagay ng kanilang handog sa kabang-yaman ng templo. Nakita rin niya ang isang mahirap na babaing balo na nag-alay ng dalawang kusing, kaya't sinabi niya, “Totoo ang sinasabi ko sa inyo: ang mahirap na babaing balong iyon ang nag-alay ng higit sa ihinandog ng lahat. Sapagkat lahat sila'y naghandog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit ang babaing ito, kahit sa kanyang kahirapan ay nag-alay ng buo niyang ikinabubuhay.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.