Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.
113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2 (A)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
3 (B)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4 Ang Panginoon ay (C)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (D)sa itaas ng mga langit.
5 (E)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
6 (F)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7 (G)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9 (H)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.
19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (A)Abraham si Isaac,
20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (B)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (C)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.
21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (D)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.
22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (E)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.
23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,
Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (F)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (G)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(H)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Panganganak kay Esau at kay Jacob.
24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.
25 At ang unang lumabas ay mapula na (I)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.
26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (J)nakakapit sa sakong ni Esau; (K)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.
Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
27 At nagsilaki ang mga bata; (L)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.
28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (M)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (N)at minamahal ni Rebeca si Jacob.
15 Na (A)siya ang larawan ng (B)Dios na di nakikita, (C)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
16 Sapagka't (D)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (E)pagsakop o mga (F)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (G)niya at ukol sa kaniya;
17 At siya'y (H)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
18 At (I)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (J)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
19 Sapagka't minagaling ng Ama (K)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;
20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (L)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978