Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mikas 5:2-5

Nguni't ikaw, (A)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (B)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (C)mula nang walang hanggan.

Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (D)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.

At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (E)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.

At (F) ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.

Lucas 1:46-55

46 At sinabi ni Maria,

(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(M)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (N)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Mga Awit 80:1-7

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.

80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
(F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
(G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
(H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.

Mga Hebreo 10:5-10

Kaya't (A)pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi,

(B)Hain at handog ay hindi mo ibig.
Nguni't isang katawan ang (C)sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.)
Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.

Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),

Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.

10 Sa (D)kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng (E)katawan ni Cristo na (F)minsan magpakailan man.

Lucas 1:39-45

39 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa (A)lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;

40 At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.

41 At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at (B)napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;

42 At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, (C)Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.

43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng (D)aking Panginoon ay pumarito sa akin?

44 Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.

45 At (E)mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.

Lucas 1:46-55

46 At sinabi ni Maria,

(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(M)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (N)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978