Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: '2 Mga Hari 5:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Mga Hari 5:7-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 111 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Timoteo 2:8-15

Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David, ayon sa ebanghelyong ipinapangaral ko. Ito ang dahilan ng aking pagdurusa at pagkabilanggo, na parang ako'y isang kriminal. Ngunit hindi maaaring ibilanggo ang salita ng Diyos. 10 Dahil dito, tinitiis ko ang lahat alang-alang sa mga hinirang, upang makamit nila ang kaligtasan na matatagpuan kay Cristo Jesus na nagdudulot ng kaluwalhatiang walang hanggan. 11 Mapagkakatiwalaan ang salitang ito:

Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya;
12 kung (A) tayo'y makapagtitiis, maghahari naman tayong kasama niya;
    kapag siya'y ating ikakaila, ikakaila rin niya tayo;
13 kung tayo ma'y hindi nanatiling tapat, siya'y nananatiling tapat;
    sapagkat hindi niya magagawang ikaila ang kanyang sarili.

14 Ipaalala mo sa kanila ang mga ito, at sa harap ng Diyos[a] ay pagbilinan mo sila na umiwas sa pagtatalo tungkol sa kahulugan ng mga salita. Wala itong ibinubungang mabuti at sa halip ay nagpapahamak lamang sa mga nakikinig.

Ang Manggagawa ng Diyos

15 Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, isang manggagawang walang anumang dapat ikahiya, at matapat sa pagtuturo ng katotohanan.

Lucas 17:11-19

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

11 Habang patungo sa Jerusalem, nagdaan si Jesus sa pagitan ng Samaria at Galilea. 12 Pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Habang sila'y nakatayo sa malayo, 13 sumigaw sila na nagsasabing, “Jesus! Panginoon! Maawa po kayo sa amin!” 14 Nang makita sila ni Jesus ay sinabi niya, “Humayo kayo at magpasuri sa mga pari.” Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling. 15 Nang makita ng isa sa mga ito na gumaling na siya, bumalik siyang sumisigaw ng papuri sa Diyos. 16 Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus. Ang lalaking ito ay Samaritano. 17 Kaya't nagtanong si Jesus, “Hindi ba't sampu ang pinagaling? Nasaan ang siyam? 18 Wala bang natagpuang bumalik upang magbigay ng papuri sa Diyos, maliban sa dayuhang ito?” 19 At sinabi niya rito, “Tumindig ka at humayo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.