Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Habacuc 1:1-4

Ang Caldea ay itinaas upang parusahan ang Juda.

(A)Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta.

Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas.

Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.

Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't (B)kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.

Habacuc 2:1-4

Ang kaabaaba ay sinalita sa Caldea.

Ako'y tatayo sa (A)aking bantayan, at lalagay ako sa moog, at tatanaw upang maalaman ko kung ano ang kaniyang sasalitain sa akin, at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.

At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, (B)Isulat mo ang pangitain, at (C)iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon.

Sapagka't ang (D)pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang (E)darating, hindi magtatagal.

Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't (F)ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.

Mga Awit 37:1-9

Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.

37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
(D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
(F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
(I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.

2 Timoteo 1:1-14

Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa (B)pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,

(C)Kay Timoteo na (D)aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Nagpapasalamat ako sa Dios, na (E)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (F)malinis, (G)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw

Na kinasasabikan kong makita kita, (H)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;

Na inaalaala ko (I)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (J)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (K)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (L)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (M)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (N)kahusayan.

(O)Huwag mo ngang ikahiya (P)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (Q)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;

Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (R)tumawag ng isang banal na (S)pagtawag, (T)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (U)ayon sa kaniyang sariling akala at (V)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (W)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.

10 Nguni't (X)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (Y)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,

11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (Z)tagapangaral, at apostol at guro.

12 Dahil dito'y nagtiis (AA)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (AB)hindi ako nahihiya; (AC)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (AD)hanggang sa araw na yaon.

13 Ingatan mo (AE)ang mga ulirang mga salitang (AF)magagaling (AG)na narinig mo sa akin, (AH)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.

14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (AI)na nananahan sa atin.

Lucas 17:5-10

At sinabi (A)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

At sinabi ng Panginoon, (B)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.

Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;

At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?

Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?

10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978