Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 5

Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.

Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (A)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (B)sa Iyo'y dumadalangin ako.
Oh Panginoon, (C)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (D)kabulaanan:
(E)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(F)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
(G)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (H)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (I)na gaya ng isang kalasag.

Jonas 4

Ang pagdaing ni Jonas.

Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit.

At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling (A)tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay (B)Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan.

Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.

At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?

Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan.

Ang leksion ng isang kikayon.

At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon.

Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo.

At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.

At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.

10 At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:

11 At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao (C)na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; (D)at marami ring hayop?

Mga Gawa 8:26-40

26 Datapuwa't nagsalita kay (A)Felipe (B)ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.

27 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at (C)siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;

28 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias.

29 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.

30 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo?

31 At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.

32 Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito,

(D)Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan;
At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya,
Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig:
33 Sa kaniyang pagpapakababa'y inalis ang kaniyang paghuhukom.
Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi?
Sapagka't inalis sa lupa ang kaniyang buhay.

34 At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba?

35 At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, (E)at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus.

36 At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?[a](F)

38 At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.

39 At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.

40 Nguni't nasumpungan si Felipe sa Azoto: at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan, hanggang sa dumating siya sa (G)Cesarea.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978