Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang tawag upang sumamba sa Panginoon, ang matuwid na tagahatol.
96 (A)Oh magsiawit kayo (B)sa Panginoon ng bagong awit:
Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.
2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya;
Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa
Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan
4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin:
Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.
5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan.
(C)Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.
6 Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya:
(D)Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario.
7 Magbigay kayo sa Panginoon, (E)kayong mga angkan ng mga bayan,
Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
8 Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan;
(F)Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga (G)looban.
9 Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan:
Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
Dalawang querubin sa sanggunian.
23 At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin (A)na kahoy na olibo, na bawa't isa'y may sangpung siko ang taas.
24 At limang siko ang isang pakpak ng querubin, at limang siko ang kabilang pakpak ng querubin: mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa dulo ng kabila ay sangpung siko.
25 At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.
26 Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.
27 At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka (B)na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.
28 At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.
Mga ukit sa palibot at sa mga pintuan.
29 At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga (C)bukang bulaklak, sa loob at sa labas.
30 At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.
31 At sa pasukan ng sanggunian, siya'y gumawa ng mga pintuan na kahoy na olibo: ang itaas ng pintuan at ang mga haligi niyaon ay ikalimang bahagi ng panig ang laki.
32 Sa gayo'y gumawa siya ng dalawang pinto na kahoy na olibo; at kaniyang inukitan ng mga ukit na mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak, at binalot niya ng ginto; at kaniyang ikinalat ang ginto sa mga querubin, at sa mga puno ng palma,
33 Sa gayo'y gumawa naman siya sa pasukan ng templo ng mga haligi ng pintuan na kahoy na olibo, sa ikaapat na bahagi ng panig;
34 At dalawang pinto na kahoy na abeto; ang dalawang pohas ng isang pinto ay (D)naititiklop, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay naititiklop.
35 At kaniyang pinagukitan ng mga querubin, at mga puno ng palma, at mga bukang bulaklak; at binalot niya ng ginto na kapit sa mga ukit na gawa.
36 At kaniyang ginawa ang loob na looban, (E)na tatlong hanay na batong tabas, at isang hanay na sikang na kahoy na sedro.
37 Nang ikaapat na taon, (F)sa buwan ng Ziph, inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Panginoon.
38 At nang ikalabing isang taon, sa buwan ng Bul, na siyang ikawalong buwan ay nayari ang bahay sa lahat ng bahagi niyaon, at ayon sa buong anyo niyaon. Na anopa't pitong taong ginawa.
11 Yamang nalalaman nga (A)ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag (B)sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.
12 Hindi namin ipinagkakapuring (C)muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan (D)na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
13 Sapagka't (E)kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.
14 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na (F)kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;
15 At siya'y namatay dahil sa lahat, (G)upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.
16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala (H)ang sinoman (I)ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.
17 Kaya't kung ang sinoman ay na (J)kay Cristo, (K)siya'y bagong nilalang: (L)ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978