Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 16:1-8

Sumama si Timoteo kina Pablo at Silas

16 Siya ay dumating sa Derbe at sa Listra. Narito, isang alagad na nagngangalang Timoteo ang naroroon. Siya ay anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya, ngunit ang kaniyang ama ay isang Griyego.

Siya ay kinikilalang may mabuting patotoo sa mga kapatid na nasa Listra at Iconio. Ibig ni Pablo na isama siya. Kinuha niya siya at tinuli alang-alang sa mga Judio na nasa dakong iyon sapagkat nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama ay isang Griyego. Sa pagtahak nila sa mga lungsod, ibinigay nila ang mga batas, na pinag­pasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem na kanilang dapat sundin. Kaya nga, ang mga iglesiya ay naging matibay sa pananampalataya at nadadagdagan ang bilang araw-araw.

 

Nakita ni Pablo sa Isang Pangitain ang Isang Lalaking Taga-Macedonia

Pagdaan nila sa Frigia at sa lalawigan ng Galacia, pinag­bawalan sila ng Banal na Espiritu na mangaral ng salita sa Asya.

Nang dumating sila sa Misia, pinagsikapan nilang makapasok sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng Banal na Espiritu. Pagkaraan nila sa Misia, lumusong sila patungong Troas.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International