Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Esmirna
8 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Esmirna:
Ako yaong simula at wakas ang nagsasabi ng mga bagay na ito. Ako yaong namatay at muling nabuhay.
9 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, ang iyong mga paghihirap at iyong karukhaan. Ngunit ikaw ay mayaman. Alam ko ang mga nagsasabing sila ay mga Judio ngunit hindi naman at ang kanilang pamumusong. Sila ay isang sinagoga ni Satanas. 10 Huwag mong kakatakutan ang lahat ng bagay na malapit mo nang danasin. Narito, ang ilan sa inyo ay malapit nang ipabilanggo ng diyablo upang kayo ay subukin. At magkakaroon ka ng paghihirap sa loob ng sampung araw. Maging tapat kayo kahit hanggang kamatayan at bibigyan ko kayo ng gantimpalang putong ng buhay.
11 Siya na may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Ang magtatagumpay ay hindi kailanman makakaranas ng ikalawang kamatayan.
Copyright © 1998 by Bibles International