Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
Mga Awit 49:1-12

Kahangalan ang Magtiwala sa Kayamanan

Awit na katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit.

49 Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man,
    kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang!
Kahit ikaw ay dakila o hamak ang iyong lagay,
    makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman.
Itong aking sasabihi'y salitang may karunungan,
    ang isipang ihahayag, mahalagang mga bagay;
Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan,
    sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman.

Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib,
    kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid—
mga taong naghahambog, sa yaman ay nananalig,
    dahilan sa yaman nila'y tumaas ang pag-iisip.
Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos,
    hindi kayang mabayara't tubusin sa kamay ng Diyos.
Ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas;
    gaano man ang halagang hawak niya'y hindi sapat
    upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakas
    at sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.

10 Alam(A) naman niyang lahat ay mamamatay,
    kasama ang marunong, maging mangmang o hangal;
    sa lahing magmamana, yaman nila'y maiiwan.
11 Doon sila mananahan sa libingan kailanpaman,
    kahit sila'y may lupaing pag-aari nilang tunay;
12 maging sikat man ang tao, hinding-hindi maiwasan
    katulad din noong hayop, tiyak siyang mamamatay.

Mga Kawikaan 23:1-11

-6-

23 Kung ikaw ay kasalo ng may mataas na katungkulan, huwag mong kalilimutan kung sino ang iyong kaharap. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag mong nasain ang pagkain ng hari, baka iyon ay pain lang sa iyo.

-7-

Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.

-8-

Huwag kang makikikain sa taong kuripot, ni nanasain man ang masasarap niyang pagkain. Sapagkat iyon ay maninikit sa iyong lalamunan. Aanyayahan ka nga niyang kumain at uminom, ngunit hindi bukal sa kalooban. Isusuka mo rin ang lahat ng iyong kinain at masasayang lang ang maganda mong sasabihin.

-9-

Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi nila mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

-10-

10 Huwag mong babaguhin ang hangganang matagal nang nakalagay, ni sasakupin ang lupa ng mga ulila. 11 Sapagkat ang Tagapagtanggol nila ay makapangyarihan, at siya ang iyong makakalaban.

Roma 11:33-36

Papuri sa Diyos

33 Lubhang(A) napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat,

34 “Sino(B) ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon?
    Sino ang maaaring maging tagapayo niya?
35 Sino(C) ang nakapagbigay ng anuman sa kanya
    na dapat niyang bayaran?”

36 Sapagkat(D) ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.