Revised Common Lectionary (Complementary)
14 (A)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (B)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (C)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (D)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (E)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (F)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(G)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.
44 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh (A)Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo (B)sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; (C)Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw (D)Jeshurun, na aking pinili.
3 Sapagka't (E)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:
4 At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.
5 Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat (F)ng pangalan ng Israel.
7 (A)Magsihingi kayo, (B)at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
8 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
9 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;
10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang (C)inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978