Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 60-62

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (A)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.

60 Oh Dios, (B)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(C)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
(D)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(E)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
(F)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
(G)Upang ang (H)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
(I)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(J)Aking hahatiin ang (K)Sichem, at aking susukatin (L)ang libis ng Succoth,
Galaad ay (M)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (N)aking setro.
(O)Moab ay aking hugasan;
(P)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (Q)humiyaw ka dahil sa akin.
Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (R)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (S)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (T)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (U)yumayapak sa aming mga kaaway.

Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.

61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(V)Matibay na moog sa kaaway.
(W)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
(X)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (Y)at katotohanan, upang mapalagi siya.
Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(Z)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.

62 Sa (AA)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (AB)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(AC)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (AD)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (AE)hindi ako makikilos.
(AF)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(AG)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
(AH)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(AI)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (AJ)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(AK)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (AL)kagandahang-loob:
Sapagka't (AM)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.

Roma 5

Yaman nga na (A)mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong (B)kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo (C)ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at (D)nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.

At hindi lamang gayon, kundi naman (E)nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian (F)na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;

At ang katiyagaan, (G)ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

At ang pagasa ay (H)hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Sapagka't (I)nang tayo ay mahihina pa ay (J)namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.

Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (K)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (L)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

10 Sapagka't (M)kung, noong tayo'y mga kaaway (N)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (O)sa kaniyang buhay;

11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.

12 Kaya, (P)kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y (Q)sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:—

13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't (R)hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.

14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, (S)na siyang anyo niyaong darating.

15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.

16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.

17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating (T)sa lahat ng mga tao sa (U)ikaaaring-ganap ng buhay.

19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

20 At bukod sa rito ay pumasok (V)ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay (W)nanaganang lubha ang biyaya:

21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman (X)ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa (Y)ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978