Old/New Testament
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay katulad ng buwaya.
41 Mahuhuli mo ba ang (A)buwaya ng isang bingwit?
O mailalabas mo ba ang kaniyang dila ng isang panali?
2 Makapaglalagay ka ba ng tali sa kaniyang ilong?
O makabubutas sa kaniyang panga ng isang taga ng bingwit?
3 Mamamanhik ba siya ng marami sa iyo?
O magsasalita ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
4 Makikipagtipan ba siya sa iyo,
Upang ariin mo siyang alipin magpakailan man?
5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya na gaya sa isang ibon?
O iyong tatalian ba siya para sa iyong mga dalaga?
6 Makakalakal ba siya (B)ng mga pulutong ng mangingisda?
Mababahagi ba siya nila sa (C)mga mangangalakal?
7 Mahihiwa mo ba ang kaniyang balat ng sundang na bakal,
O ang kaniyang ulo ng panaksak ng isda?
8 Ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
Alalahanin mo ang pagbabaka at huwag mo nang gawin.
9 Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan:
Hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?
10 Walang malakas na makapangahas kumilos niyaon:
Sino ngang makatatayo sa harap ko?
11 (D)Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya?
(E)Anomang nasa silong ng buong langit ay akin.
12 Hindi ako tatahimik tungkol sa kaniyang mga sangkap ng katawan,
Ni sa kaniya mang dakilang kapangyarihan, ni sa kaniya mang mainam na hugis.
13 Sinong makapaglilitaw na karayagan ng kaniyang mga damit?
Sinong makalalapit sa kaniyang magkasaping pangil?
14 Sinong makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha?
Sa palibot ng kaniyang ngipin ay kakilabutan.
15 Ang kaniyang mga matibay na (F)palikpik ay kaniyang kapalaluan,
Nangagkakadikit na maigi na gaya sa isang tatak na mahigpit.
16 Nagkakadikit sa isa't isa,
Na ang hangin ay hindi makaraan sa pagitan sa mga yaon.
17 Sila'y nagkakasugpongan sa isa't isa;
Nagkakalakip na magkasama, na hindi maihihiwalay.
18 Ang kanilang mga bahin ay kumikislap ng apoy,
At ang kanilang mga mata ay gaya ng mga bukang liwayway kung umaga.
19 Mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang nagliliyab na sulo,
At mga alipatong apoy ay nagsisilabas.
20 Mula sa kaniyang mga butas ng ilong ay lumalabas ang usok,
Na gaya ng isang kumukulong talyasi at nagniningas na mga talahib.
21 Ang kaniyang hinga ay nagpapaningas ng mga baga,
At isang alab ay lumalabas sa kaniyang bibig.
22 Sa kaniyang leeg ay tumitira ang kalakasan,
At ang kakilabutan ay sumasayaw sa harap niya.
23 Ang mga kaliskis ng kaniyang laman ay nangagkakadikitan;
Nangagtutumibay sa kaniya; hindi magagalaw.
24 Ang kaniyang puso ay matatag na gaya ng isang bato;
Oo, matatag na gaya ng batong pangibaba ng gilingan.
25 Pagka siya'y tumitindig ay natatakot ang makapangyarihan:
Dahil sa pagkagulat ay nangalilito sila.
26 Kung siya'y tagain ninoman ng tabak ay hindi tumatalab;
Ni ng sibat man, ng pana, ni ng matalas na tulis man.
27 Kaniyang ipinalalagay ang bakal na parang dayami,
At ang tanso na parang lapok na kahoy.
28 Hindi niya mapatakas ng palaso:
Ang mga batong panghilagpos ay nagiging sa kaniya'y parang pinagputulan ng trigo.
29 Ang mga panakbat ay nangapapalagay na parang pinagputulan ng trigo:
Kaniyang tinatawanan ang galaw ng sibat.
30 Ang kaniyang mga sangkap sa ibaba ay gaya ng mga matulis na bibinga:
Lumalaganap na tila saksak sa banlik.
31 Kaniyang pinagpapakuluan ang kalaliman na parang palyok:
Kaniyang ginagawa ang dagat na parang pamahid.
32 Kaniyang pinasisilang ang landas sa likuran niya;
Aakalain ng sinoman na mauban ang kalaliman.
33 Sa ibabaw ng lupa ay walang gaya niya,
Na likhang walang takot.
34 Kaniyang minamasdan ang bawa't mataas na bagay:
Siya'y hari sa lahat ng mga anak na palalo.
Nagsisi si Job ng kaniyang kasalanan.
42 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 (G)Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 (H)Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
(I)Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita;
Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,
6 Kaya't ako'y (J)nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako
Sa alabok at mga abo.
Nagalab ang poot ng Panginoon sa tatlong kaibigan ni Job.
7 At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay (K)Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
8 Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng (L)pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at (M)idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.
9 Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
10 (N)At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job (O)na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.
11 Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat (P)niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto.
12 Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, (Q)ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y (R)nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
13 (S)Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
14 At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima; at ang pangalan ng ikalawa, Cesiah, at ang pangalan ng ikatlo, Keren-hapuch.
15 At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job: (T)at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid.
16 At pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak, at ang mga anak ng kaniyang mga anak, hanggang sa apat na saling lahi.
17 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.
22 At samasamang nagsitindig ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga damit, at (A)ipinapalo sila ng mga panghampas.
23 At nang sila'y (B)mapalo na nila ng marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na sila'y bantayang maigi:
24 Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.
25 Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;
26 At (C)kaginsaginsa'y nagkaroon ng isang malakas na lindol, ano pa't nangagsiuga ang mga patibayan ng bahay-bilangguan: at pagdaka'y nangabuksan ang (D)lahat ng mga pinto; at nangakalas ang mga gapos ng bawa't isa.
27 At ang tagapamahala, palibhasa'y nagising sa pagkakatulog at nang makitang bukas ang mga pinto ng bilangguan, ay binunot ang kaniyang tabak at magpapakamatay sana, sa pagaakalang nangakatakas na ang mga bilanggo.
28 Datapuwa't sumigaw si Pablo ng malakas na tinig, na sinasabi, Huwag mong saktan ang iyong sarili: sapagka't nangaririto kaming lahat.
29 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,
30 At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
31 At kanilang sinabi, (E)Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at (F)ang iyong sangbahayan.
32 At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
33 At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
34 At sila'y kaniyang ipinanhik sa kaniyang bahay, at hinainan sila ng pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.
35 Datapuwa't nang umaga na, ang mga hukom ay nangagsugo ng mga sarhento, na nagsasabi, Pawalan mo ang mga taong iyan.
36 At iniulat ng tagapamahala kay Pablo ang mga salitang ito, na sinasabi, Ipinagutos ng mga hukom na kayo'y pawalan: ngayon nga'y magsilabas kayo, at magsiyaon kayong payapa.
37 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Pablo, Pinalo nila kami sa hayag, na hindi nangahatulan, (G)bagama't mga lalaking Romano, at kami'y ibinilanggo; at ngayo'y lihim na kami'y pinawawalan nila? tunay na hindi nga; kundi sila rin ang magsiparito at kami'y pawalan.
38 At iniulat ng mga sarhento ang mga salitang ito sa mga hukom: at (H)sila'y nangatakot nang kanilang marinig na sila'y mga Romano;
39 At sila'y nagsiparoon at pinamanhikan sila; at nang kanilang mailabas na sila, ay hiniling nila (I)sa kanila na magsilabas sa bayan.
40 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at (J)nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978