Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 4-6

Si Debora at si Barac ay nanagumpay kay Sisara.

At ginawa uli ng (A)mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, nang mamatay si Aod.

At (B)ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni (C)Jabin na hari sa Canaan, na naghahari sa Asor; na ang puno sa hukbong yaon ay si (D)Sisara, na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa.

At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon: sapagka't siya'y may siyam na raan na (E)karong bakal; at dalawang pung taong (F)pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel.

Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.

At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng (G)Rama at Beth-el, sa lupaing (H)maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.

At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa (I)Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng (J)Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?

At aking isusulong sa iyo sa (K)ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.

At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.

At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

10 At tinawag ni Barac ang (L)Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na (M)kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.

11 Si Heber nga na (N)Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni (O)Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes.

12 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor.

13 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison.

14 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: (P)hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.

15 At nilansag ng (Q)Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo.

16 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.

Pinatay ni Jael si Sisara.

17 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.

18 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig.

19 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.

20 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

21 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay.

22 At, narito, sa paraang (R)hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.

23 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel.

24 At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan, hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan.

Ang awit ni Debora.

Nang magkagayo'y (S)umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,

(T)Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel,
(U)Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa,
Purihin ninyo ang Panginoon.
(V)Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe;
Ako, ako'y aawit sa Panginoon,
Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
(W)Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir,
Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom,
(X)Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak,
Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
(Y)Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon,
Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Sa mga kaarawan ni (Z)Samgar na anak ni Anat,
Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat,
At ang mga manglalakbay ay (AA)bumagtas sa mga lihis na landas.
Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat,
Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon,
Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
(AB)Sila'y nagsipili ng mga bagong dios;
Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan:
(AC)May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
Ang aking (AD)puso ay nasa mga gobernador sa Israel,
Na nagsihandog na kusa sa bayan;
Purihin ninyo ang Panginoon!
10 (AE)Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno,
Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag,
At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig,
Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon,
Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel.
Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 (AF)Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit:
Bumangon ka, Barac, at (AG)ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; (AH)Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 (AI)Sa Ephraim nangagmula silang nasa (AJ)Amalec ang ugat;
Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan;
Sa (AK)Machir nangagmula ang mga gobernador,
At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora;
Na kung paano si Issachar ay (AL)gayon si Barac,
Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan.
Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa,
Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan?
Sa agusan ng tubig ng Ruben
Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 (AM)Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan:
(AN)At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig?
(AO)Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat,
At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 (AP)Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay,
At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 (AQ)Tinangay sila ng ilog Cison,
Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison.
Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo,
Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon,
Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya;
(AR)Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong (AS)sa Panginoon,
Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (AT)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok:
Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal.
Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw;
Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia:
Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating?
Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya,
Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 (AU)Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon:
Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay (AV)maging parang araw (AW)pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan.
(AX)At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.

Ang Israel ay napasa kamay ng Madian.

At ginawa ng (AY)mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng (AZ)Madian na pitong taon.

At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.

At ganito ang nangyari, noong ang Israel ay nakapaghasik, na nagsiahon ang mga Madianita, at ang mga (BA)Amalecita, (BB)at ang mga anak sa silanganan; sila'y nagsiahon laban sa kanila;

At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang (BC)sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man.

Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa (BD)karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.

At ang Israel ay huminang (BE)totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon.

At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian.

Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking (BF)iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin;

At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain;

10 At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y (BG)huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig.

Si Gedeon ay dinalaw ng anghel ng Panginoon.

11 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na (BH)Abiezerita: at ang kaniyang anak na si (BI)Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.

12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang (BJ)Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at (BK)saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa (BL)na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

14 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, (BM)Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: (BN)hindi ba kita sinugo?

15 At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang (BO)aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama.

16 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (BP)Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.

17 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y (BQ)nakasumpong (BR)ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.

18 (BS)Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik.

19 (BT)At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.

20 At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura (BU)at ipatong mo sa batong ito at (BV)ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon.

21 Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at (BW)napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin.

22 At (BX)nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! (BY)sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.

23 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (BZ)Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.

24 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa (CA)Ophra pa ng mga Abiezerita.

Iginiba ni Gedeon ang Altar ni Baal.

25 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang (CB)Asera na nasa siping niyaon.

26 At ipagtayo mo, sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako; at kunin mo ang ikalawang toro, at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin.

27 Nang magkagayo'y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan, at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya: at nangyari, na sapagka't siya'y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan, kaya't hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi.

28 At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito, ang dambana ni Baal ay wasak, at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo.

29 At sila'y nangagsalitaan, Sino ang gumawa ng bagay na ito? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi, Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito.

30 Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon.

31 At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.

32 Kaya't nang araw na yaon ay (CC)tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana.

33 Nang magkagayo'y lahat ng mga (CD)Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa (CE)libis ng Jezreel.

34 (CF)Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at (CG)humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.

35 At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.

Ang tanda ng balat na lana.

36 At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.

37 (CH)Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.

38 At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig.

39 At sinabi ni Gedeon sa Dios, (CI)Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog.

40 At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa.

Lucas 4:31-44

31 At (A)siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:

32 At nangagtaka sila (B)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.

33 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,

34 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? (C)nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.

35 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.

36 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.

37 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.

38 (D)At siya'y nagtindig (E)sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya.

39 At tinunghan niya siya, at (F)sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.

40 At nang lumulubog na ang araw, ang (G)lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.

41 At nagsilabas (H)din sa marami ang mga demonio (I)na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At (J)sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo.

42 (K)At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.

43 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.

44 At siya'y nangangaral (L)sa mga sinagoga ng Galilea.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978