Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Josue 16-18

Ang mana ng mga anak ni Ephraim.

16 At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa (A)ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;

At palabas mula sa Beth-el na patungo sa (B)Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;

At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, (C)hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.

At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.

At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:

At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:

At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.

Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,

Pati ng mga (D)bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.

10 (E)At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at (F)naging mga alilang tagapagatag.

Ang mana ng mga anak ni Manases.

17 At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang (G)panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni (H)Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.

At ang napasa (I)ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, (J)sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.

Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.

At sila'y lumapit sa harap ni (K)Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng (L)Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.

At nahulog ang sangpung bahagi (M)kay Manases, (N)bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan;

Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases.

At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng (O)Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua.

Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim.

At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga (P)bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;

10 Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.

11 At tinatangkilik ng (Q)Manases sa Issachar at sa Aser ang (R)Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (S)Endor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (T)Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.

12 (U)Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.

13 At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa (V)pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.

Dalawang bahagi ng mga anak ni Jose.

14 (W)At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay (X)isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, (Y)dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?

15 At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga (Z)Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng (AA)Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.

16 At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay (AB)may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa (AC)libis ng Jezreel.

17 At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang:

18 Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, (AD)bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.

Ang natitirang mga lupain ay binahagi.

18 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa (AE)Silo, (AF)at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.

At nalabi sa mga anak ni Israel ay pitong lipi na hindi pa nababahaginan ng kanilang mana.

At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Hanggang (AG)kailan magpapakatamad kayo upang pasukin ninyong ariin ang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang?

Maghalal kayo sa inyo ng tatlong lalake sa bawa't lipi: at aking susuguin, at sila'y babangon at lalakad sa lupain, at iguguhit ayon sa kanilang mana; at sila'y paririto sa akin.

At kanilang babahagihin ng pitong bahagi: (AH)ang Juda ay mananahan sa hangganan niyaon na dakong timugan, at ang (AI)sangbahayan ni Jose ay mananahan sa kanilang hangganan sa dakong hilagaan.

At inyong iguguhit ang lupain ng pitong bahagi, at inyong dadalhin ang pagkaguhit dito sa akin: at aking ipagsasapalaran dito (AJ)sa inyo sa harap ng Panginoon natin Dios;

(AK)Sapagka't ang mga Levita ay walang bahagi sa gitna ninyo; sapagka't ang pagkasaserdote sa Panginoon ay siyang kanilang mana: at (AL)ang Gad, at ang Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ay tumanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon.

At ang mga lalake ay tumindig at yumaon: at ibinilin sa kanila ni Josue na yumaong iguhit ang lupain, na sinasabi, Yumaon kayo at lakarin ninyo ang lupain at iguhit ninyo at bumalik kayo sa akin, at aking ipagsasapalaran sa inyo dito sa harap ng Panginoon sa Silo.

At ang mga lalake ay yumaon at nilakad ang lupain, at iginuhit sa isang aklat ayon sa mga bayan na pitong bahagi, at sila'y naparoon kay Josue sa kampamento sa Silo.

10 At ipinagsapalaran ni Josue sa kanila sa Silo sa harap ng Panginoon; at binahagi roon ni Josue ang lupain sa mga anak ni Israel ayon sa kanilang mga (AM)bahagi.

Ang mana at ang mga bayan ng mga anak ni Benjamin.

11 At ang kapalaran ng lipi ng mga anak ni Benjamin ay lumabas ayon sa kanilang mga angkan: at ang hangganan ng kanilang kapalaran ay palabas sa pagitan ng mga anak ni Juda at ng mga anak ni Jose.

12 (AN)At ang kanilang hangganan sa hilagaang sulok ay mula sa Jordan; at ang hangganan ay pasampa sa dako ng Jerico sa hilagaan, at pasampa sa lupaing maburol na dakong kalunuran; at ang labasan niyaon ay sa ilang ng (AO)Beth-aven.

13 At ang hangganan ay patuloy mula roon hanggang sa Luz, sa dako ng Luz (na (AP)siyang Beth-el), na dakong timugan; at ang hangganan ay pababa sa Ataroth-addar, sa tabi ng bundok na dumudoon sa timugan ng (AQ)Beth-horon sa ibaba.

14 At ang hangganan ay patuloy at paliko sa kalunurang sulok na dakong timugan mula sa bundok na nakalatag sa harap ng Beth-horon na dakong timugan, at ang mga labasan niyaon ay sa (AR)Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), na bayan ng mga anak ni Juda: ito ang kalunurang sulok.

15 At ang timugang sulok ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Chiriath-jearim at ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran, at palabas sa bukal ng tubig ng Nephtoa:

16 At ang hangganan ay pababa sa kahulihulihang bahagi ng bundok na nakalatag sa harap ng libis ng anak ni Hinnom, na nasa (AS)libis ng Rephaim na dakong hilagaan; (AT)at pababa sa libis ni Hinnom, sa dako ng Jebuseo na dakong timugan at pababa sa (AU)Enrogel;

17 At paabot sa hilagaan at palabas sa En-semes, at palabas sa Geliloth na nasa tapat ng pagsampa sa Adummim; at pababa sa bato ng Bohan na anak ni Ruben,

18 At patuloy sa tagiliran na tapat ng Araba sa dakong hilagaan, at pababa sa Araba;

19 At ang hangganan ay patuloy sa tabi ng Beth-hogla na dakong hilagaan, at ang labasan ng hangganan ay sa hilagaang dagat-dagatan ng Dagat na Alat, sa timugang dulo ng Jordan; ito ang timugang hangganan.

20 At ang Jordan ay hangganan niyaon sa sulok na silanganan. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

21 Ang mga bayan nga ng lipi ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay (AV)Jerico, at Beth-hogla, at Emec-casis:

22 At Beth-araba, at Samaraim, at Beth-el,

23 At Avim, at Para, at Ophra,

24 At Cephar-hammonai, at Ophni, at Gaba, labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.

25 Gabaon, at Rama, at Beeroth,

26 At Mizpe, at Chephira, at Moza;

27 At Recoem, at Irpeel, at Tarala;

28 At Sela, Eleph, at (AW)Jebus (na siyang Jerusalem), Gibeath, at Chiriath; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon. Ito ang mana ng mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan.

Lucas 2:1-24

Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang (A)utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.

Ito ang (B)unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay (C)gobernador sa Siria.

At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.

At si Jose naman ay umahon mula sa (D)Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, (E)sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, (F)sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;

Upang patala siya pati ni Maria, (G)na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.

At nangyari, samantalang sila'y (H)nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.

At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para kanila sa tuluyan.

At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: (I)at sila'y totoong nangatakot.

10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:

11 Sapagka't ipinanganak (J)sa inyo ngayon (K)sa bayan ni David (L)ang isang Tagapagligtas, (M)na siya ang Cristo (N)ang Panginoon.

12 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.

13 At biglang nakisama sa anghel (O)ang isang karamihang hukbo ng langit, (P)na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:

14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan,
(Q)At sa lupa'y (R)kapayapaan sa mga taong (S)kinalulugdan niya.

15 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa (T)Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay-alam sa atin ng Panginoon.

16 At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.

17 At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.

18 At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.

19 Datapuwa't iningatan ni (U)Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.

20 At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.

21 At nang makaraan ang (V)walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na (W)JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.

22 At nang maganap na (X)ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala (Y)siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon

23 (ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, (Z)Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),

24 At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, (AA)Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978