Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 12-14

Si Miriam ay nagkaketong.

12 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't (A)siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita.

At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? (B)hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At (C)narinig ng Panginoon.

Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.

(D)At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas.

(E)At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas.

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya (F)sa pangitain, na kakausapin ko siya sa (G)panaginip.

(H)Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa (I)aking buong buhay:

(J)Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang (K)anyo ng Panginoon ay kaniyang (L)makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?

At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis.

10 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at (M)narito, si Miriam ay (N)nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong.

11 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na (O)huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.

12 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina.

13 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y (P)niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? (Q)kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob.

15 (R)At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

16 At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa (S)Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran.

Nagpadala ng tiktik sa Canaan.

13 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(T)Magsugo ka ng mga lalake na makakapaniktik sa lupain ng Canaan, na aking ibibigay sa mga anak ni Israel: isang lalake sa bawa't isa sa mga lipi ng kanilang mga magulang ay susuguin ninyo, na bawa't isa'y prinsipe sa kanila.

At sinugo sila ni Moises mula sa (U)ilang ng Paran ayon sa utos ng Panginoon: silang lahat ay mga lalaking pangulo sa mga anak ni Israel.

At ito ang kanilang mga pangalan: sa lipi ni Ruben, ay si Sammua na anak ni Zaccur.

Sa lipi ni Simeon, ay si Saphat na anak ni Huri.

(V)Sa lipi ni Juda, ay si (W)Caleb na anak ni Jephone.

Sa lipi ni Issachar, ay si Igal na anak ni Jose.

Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun.

Sa lipi ni Benjamin, ay si Palti na anak ni Raphu.

10 Sa lipi ni Zabulon, ay si Gaddiel na anak ni Sodi.

11 Sa lipi ni Jose, sa makatuwid baga'y sa lipi ni Manases, ay si Gaddi na anak ni Susi.

12 Sa lipi ni Dan, ay si Ammiel na anak ni Gemalli.

13 Sa lipi ni Aser, ay si Sethur, na anak ni Michael.

14 Sa lipi ni Nephtali, ay si Nahabi na anak ni Vapsi.

15 Sa lipi ni Gad, ay si Geuel na anak ni Machi.

16 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si (X)Oseas.

17 At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, at sinabi sa kanila, Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at (Y)umakyat kayo sa mga bundok:

18 At tingnan ninyo ang lupain, kung ano; at ang bayan na tumatahan doon, kung sila'y malakas o mahina, kung sila'y kaunti o marami;

19 At kung ano ang lupain na kanilang tinatahanan, kung mabuti o masama; at kung ano ang mga bayan na kanilang tinatahanan, kung sa mga kampamento, o sa mga nakukutaan;

20 At kung ano ang lupain, kung mataba o payat, (Z)kung mayroong kahoy o wala. At (AA)magpakatapang kayo, at magdala kayo rito ng bunga ng lupain. Ngayon ang panahon ay panahon ng mga unang hinog na ubas.

21 Sila nga'y umakyat, at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa (AB)ilang ng Zin hanggang sa (AC)Rehob, sa pagpasok sa Emath.

22 At sila'y umakyat sa dakong Timugan, at sila'y dumating sa Hebron; at si (AD)Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay (AE)natayong pitong taon bago ang Zoan (AF)sa Egipto).

23 (AG)At sila'y dumating sa libis ng Escol, at sila'y pumutol doon ng isang sangang may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila'y nagdala rin ng mga granada, at mga igos.

24 Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol, dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon.

Masamang balita ng mga tiktik.

25 At sila'y nagbalik pagkatiktik sa lupain, sa katapusan ng apat na pung araw.

26 At sila'y nagsiyaon at nagsiparoon kay Moises, at kay Aaron at sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, sa ilang ng Paran, (AH)sa Cades; at kanilang binigyang sagot sila, at ang buong kapisanan, at kanilang ipinakita sa kanila ang bunga ng lupain.

27 At kanilang isinaysay sa kaniya, at sinabi, Kami ay dumating sa lupaing yaong pinaparoonan mo sa amin, at tunay na binubukalan ng (AI)gatas at pulot; at ito ang (AJ)bunga niyaon.

28 Gayon man (AK)ang bayan na tumitira sa lupaing yaon ay malakas, at ang mga bayan ay nakukutaan, at napakalalaki: at saka aming nakita ang mga anak ni Anac doon.

29 (AL)Si Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan: at ang Hetheo, at ang Jebuseo, at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok: at ang Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat, at sa mga pangpang ng Jordan.

30 At pinatahimik ni (AM)Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating paminsan, at ating ariin; sapagka't kaya nating lupigin.

31 (AN)Nguni't sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya, Hindi tayo makaaakyat laban sa bayan; sapagka't sila'y malakas kay sa atin.

32 At sila'y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tiniktikan, sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ang mga tumatahan doon; at (AO)lahat ng bayan na aming nakita roon, ay mga taong malalaki.

33 (AP)At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging (AQ)parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.

Tumutol ang buong kapisanan.

14 At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, (AR)at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon.

(AS)At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!

At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto?

At nagsang-usapan sila, (AT)Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y (AU)magbalik sa Egipto.

Nang magkagayon, si (AV)Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel.

At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:

At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (AW)Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.

Kung (AX)kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y (AY)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, (AZ)ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, (BA)sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay (BB)sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.

10 (BC)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (BD)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Ang babala ng Panginoon at ang pamamagitan ni Moises.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (BE)Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at (BF)hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?

12 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at (BG)gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.

13 (BH)At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila;

14 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. (BI)Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, (BJ)at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.

15 Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin,

16 (BK)Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang.

17 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi,

18 Ang Panginoon ay (BL)banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na (BM)dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi.

19 (BN)Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito (BO)ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at (BP)ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon.

20 At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad (BQ)ayon sa iyong salita:

21 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buháy at kung paanong mapupuspos ng (BR)kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:

22 (BS)Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong (BT)makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;

23 (BU)Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:

24 Kundi ang (BV)aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa (BW)at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.

25 Ngayon nga'y ang mga (BX)Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at (BY)kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

Apat na pung taon na magiging gala.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

27 (BZ)Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.

28 Sabihin mo sa kanila, (CA)Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, tunay na (CB)kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:

29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong (CC)lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,

30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing (CD)pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, (CE)maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.

31 (CF)Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na (CG)inyong itinakuwil.

32 (CH)Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.

33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na (CI)apat na pung taon, at kanilang (CJ)tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.

34 (CK)Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, (CL)sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong (CM)tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan.

35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang (CN)ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay.

36 (CO)At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,

37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay (CP)nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.

38 (CQ)Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buháy sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.

Hinabol hanggang sa Horma.

39 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at (CR)ang bayan ay tumaghoy na mainam.

40 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito (CS)kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.

41 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang (CT)utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?

42 (CU)Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway.

43 Sapagka't nandoon ang mga (CV)Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo.

44 (CW)Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang (CX)kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento.

45 Nang (CY)magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa (CZ)Horma.

Marcos 5:21-43

21 At nang si (A)Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo, ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y nasa tabi ng dagat.

22 (B)At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga, na nagngangalang Jairo; at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan,

23 At ipinamamanhik na mainam sa kaniya, na sinasabi, Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo: ipinamamanhik ko sa iyo, na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya, upang siya'y gumaling, at mabuhay.

24 At siya'y sumama sa kaniya; at sinundan siya ng lubhang maraming tao; at siya'y sinisiksik nila.

25 At isang babae (C)na may labingdalawang taon nang inaagasan,

26 At siya'y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot, at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik, at hindi gumaling ng kaunti man, kundi bagkus pang lumulubha siya,

27 Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit.

28 Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.

29 At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya.

30 At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na (D)bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit?

31 At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin?

32 At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito.

33 Nguni't ang babae na natatakot at nangangatal, palibhasa'y nalalaman ang sa kaniya'y nangyari, lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan.

34 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.

35 Samantalang nagsasalita pa siya, ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae: bakit mo pa binabagabag ang Guro?

36 Datapuwa't hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita, at nagsabi sa pinuno ng sinagoga, Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.

37 At hindi niya ipinahintulot na sinoma'y makasunod sa kaniya, liban kay (E)Pedro, at kay Santiago, at kay Juan na kapatid ni Santiago.

38 At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga; at napanood niya ang pagkakagulo, at ang nagsisitangis, at nangagbubuntong-hininga ng labis.

39 At pagkapasok niya, ay kaniyang sinabi sa kanila, Bakit kayo'y nangagkakagulo at nagsisitangis? hindi patay ang bata, kundi natutulog.

40 At tinatawanan nila siya na nililibak. Datapuwa't, nang mapalabas na niya ang lahat, ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito, at (F)ang kaniyang mga kasamahan, at pumasok sa kinaroroonan ng bata.

41 At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa kaniya, (G)Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.

42 At pagdaka'y nagbangon ang dalaga, at lumakad: sapagka't siya'y may labingdalawang taon na. At pagdaka'y nangagtaka silang lubha.

43 At ipinagbilin niya (H)sa kanilang mahigpit, na sinoman ay huwag makaalam nito: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978