Old/New Testament
Ang batas ng handog para sa kasalanan.
4 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (A)Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila;
3 (B)Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan.
4 At dadalhin niya ang toro (C)sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.
5 At ang pinahiran ng langis na saserdote ay (D)kukuha ng dugo ng toro, at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan:
6 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon, sa tapat ng tabing ng santuario.
7 At ang saserdote ay (E)maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay (F)ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: (G)at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
8 At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
9 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato,
10 (H)Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog.
11 (I)At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi,
12 Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, (J)na pinagtatapunan ng mga abo, at (K)doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon.
Ang batas ng handog para sa kapulungan.
13 (L)At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala, (M)at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan, at sila'y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at naging salarin;
14 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinaka handog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.
15 At (N)ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.
16 (O)At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan:
17 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing.
18 At maglalagay siya ng dugo sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana na nasa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
19 At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana.
20 Gayon ang gagawin niya sa toro; kung paano ang ginawa niya (P)sa torong handog dahil sa kasalanan, ay gayon gagawin niya rito: (Q)at itutubos sa kanila ng saserdote, at patatawarin sila.
21 At ilalabas niya ang toro sa kampamento, at susunugin niya, na gaya ng pagkasunog sa unang toro: handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan.
Ang batas ng handog para sa kasalanan ng mga pamunuan.
22 Pagka ang isang pinuno ay nagkasala, (R)at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin, at siya'y naging salarin;
23 (S)Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan;
24 (T)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing, at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon: handog nga dahil sa kasalanan.
25 (U)At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang dugo'y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog.
26 At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, (V)na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (W)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin.
Ang batas ng handog para sa kasalanan ng mga pangkaraniwang tao.
27 (X)At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan;
28 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya.
29 (Y)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog.
30 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana.
31 (Z)At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin, (AA)na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana (AB)na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y patatawarin.
32 At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, (AC)ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya.
33 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin na pinaka handog dahil sa kasalanan, sa pinagpapatayan ng handog na susunugin.
34 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana:
35 At ang lahat ng taba ay kaniyang aalisin, gaya ng pagkaalis ng taba sa kordero na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana, (AD)sa ibabaw ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: (AE)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan; at siya'y patatawarin.
Ang batas tungkol sa handog ng pagkakamali.
5 At kung ang sinoman ay magkasala, (AF)sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos, sa paraang siya'y saksi maging kaniyang nakita o nalaman, kung hindi niya ihayag, ay (AG)siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya.
2 (AH)O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal, maging bangkay ng ganid na karumaldumal, o ng bangkay na hayop na karumaldumal, o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal, at nalihim sa kaniya, at siya'y maging karumaldumal, ay magiging makasalanan nga siya:
3 O (AI)kung siya'y nakahipo ng karumaldumal ng tao, maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya, at nalihim sa kaniya; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya:
4 O kung ang sinoma'y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na (AJ)gumawa ng masama o (AK)gumawa ng mabuti, maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa, at sa kaniya'y nalihim; pagka nalaman niya yaon, ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito:
5 At mangyayari, na pagka siya'y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, (AL)ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala:
6 At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala, dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya, ay isang babae na kinuha sa kawan, isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan.
7 (AM)At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinaka handog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, (AN)ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinaka handog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinaka handog na susunugin.
8 At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinaka handog dahil sa kasalanan, ay ang una (AO)at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla:
9 At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; (AP)at ang labis sa dugo ay pipigain (AQ)sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan.
10 At ihahandog niya ang ikalawa na pinaka handog na susunugin (AR)ayon sa alituntunin: (AS)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin.
11 Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; (AT)hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan.
12 At dadalhin niya sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon, (AU)na susunugin sa dambana; (AV)na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: handog nga dahil sa kasalanan.
13 At itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan sa alinman sa mga bagay na ito, at siya'y patatawarin: (AW)at ang labis ay mapapasa saserdote, gaya ng handog na harina.
14 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
15 (AX)Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; (AY)ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong[b] pilak, ayon (AZ)sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:
16 At isasauli niya (BA)yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: (BB)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.
17 At kung ang sinoman ay magkasala, at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin; (BC)bagama't hindi niya nalalaman, (BD)makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan.
18 At siya'y magdadala sa saserdote ng isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan ayon sa iyong pagkahalaga na pinakahandog dahil sa pagkakasala; (BE)at itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa bagay na pinagkamalian niya ng di sinasadya, at hindi niya nalalaman, at siya'y patatawarin.
19 Yaon nga'y handog dahil sa pagkakasala: tunay ngang siya'y makasalanan sa harap ng Panginoon.
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim (A)ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30 At kung magkagayo'y (B)lilitaw (C)ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
31 At (D)susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding (E)pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
32 Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
33 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
35 (G)Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon (H)walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, (I)kundi ang Ama lamang.
37 (J)At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38 Sapagka't gaya ng mga araw (K)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:
41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
42 (L)Mangagpuyat nga kayo: (M)sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
43 Datapuwa't (N)ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating (O)ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.
44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
45 Sino nga baga (P)ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?
46 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.
47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala (Q)ang lahat niyang pagaari.
48 Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;
49 At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;
50 Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,
51 At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi (R)sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978