Read the New Testament in 24 Weeks
13 Ang bawa't (A)kaluluwa ay pasakop sa matataas (B)na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? (C)gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:
4 Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.
5 Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
6 Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo (D)ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
7 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: (E)buwis sa dapat buwisan; (F)ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
8 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: (G)sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.
9 Sapagka't ito, (H)Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y (I)Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: (J)ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.
11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (K)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
12 (L)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (M)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (N)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (O)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
14 Kundi bagkus isakbat ninyo (P)ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
14 Datapuwa't ang (Q)mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan.
2 May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay.
3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at (R)ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.
4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
5 May nagmamahal sa isang araw ng higit kay (S)sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.
6 Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't (T)siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios.
7 Sapagka't (U)ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili.
8 Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon.
9 Sapagka't dahil dito ay (V)namatay si Cristo at nabuhay na (W)maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay.
10 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? (X)sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.
11 Sapagka't nasusulat,
(Y)Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod,
At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios.
12 Kaya nga ang (Z)bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.
13 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay (AA)huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
14 Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, (AB)na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na (AC)doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.
15 Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. (AD)Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo.
16 Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan:
17 Sapagka't ang kaharian (AE)ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.
18 Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.
19 Kaya nga (AF)sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga (AG)bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.
20 Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang (AH)lahat ng mga bagay ay malilinis; (AI)gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi.
21 Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, (AJ)ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.
22 Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan.
23 Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978