Read the New Testament in 24 Weeks
15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.
2 Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.
3 (E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.
4 Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.
7 Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.
8 Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,
9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,
(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.
10 At muling sinasabi niya,
(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.
11 At muli,
(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.
12 At muli, sinasabi ni Isaias,
(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.
13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
14 (R)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.
15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (S)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,
16 (T)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (U)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.
18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (V)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (W)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,
19 Sa bisa ng mga tanda (X)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;
20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (Y)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;
21 Kundi, gaya ng nasusulat,
(Z)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.
22 Kaya't madalas namang (AA)napigil ako ng pagpariyan sa inyo:
23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga (AB)lupaing ito, (AC)at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,
24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (AD)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—
25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (AE)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.
26 Sapagka't (AF)minagaling ng (AG)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.
27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (AH)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.
28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (AI)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.
29 At nalalaman ko (AJ)na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.
30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (AK)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
31 Upang ako'y maligtas (AL)sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging (AM)kalugodlugod sa mga banal;
32 Upang (AN)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.
33 Ngayon (AO)ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
16 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa (AP)Cencrea:
2 Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, (AQ)ayon sa nararapat sa (AR)mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at (AS)ng aking sarili naman.
3 Batiin ninyo si (AT)Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,
4 Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
5 At batiin ninyo (AU)ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, (AV)na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.
6 Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.
7 Batiin ninyo si Andronico at si Junias, (AW)na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, (AX)na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.
8 Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.
9 Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.
10 Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo.
11 Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon.
12 Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon.
13 Batiin ninyo si (AY)Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.
14 Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.
15 Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat (AZ)ng mga banal na kasama nila.
16 (BA)Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.
17 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng (BB)pagkakabahabahagi at ng mga (BC)katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at (BD)kayo'y magsilayo sa kanila.
18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi (BE)sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
19 Sapagka't ang (BF)inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko (BG)na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.
20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (BH)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (BI)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.
21 Binabati kayo ni Timoteo na (BJ)aking kamanggagawa; at ni (BK)Lucio at ni (BL)Jason at ni (BM)Sosipatro, na aking mga kamaganak.
22 Akong si Tercio, (BN)na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
23 Binabati kayo ni (BO)Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni (BP)Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.
24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.
25 At ngayon sa kaniya na (BQ)makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay (BR)ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, (BS)ayon sa pahayag ng hiwaga na (BT)natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.
26 Datapuwa't nahayag na ngayon, (BU)at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:
27 Sa iisang (BV)Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978