Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Read the New Testament in 24 Weeks

A reading plan that walks through the entire New Testament in 24 weeks of daily readings.
Duration: 168 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hebreo 12-13

12 Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't (A)pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at (B)ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin,

Na masdan natin si Jesus na gumawa at (C)sumakdal ng ating pananampalataya, (D)na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at (E)umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.

Sapagka't (F)dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng (G)gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.

Hindi pa kayo (H)nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo, na nakikipagaway laban sa kasalanan:

At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak,

(I)Anak ko, huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon,
O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya;
Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig,
At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.

Na dahil sa ito'y parusa kayo'y nagtitiis; inaari kayo ng (J)Dios na tulad sa mga anak; sapagka't alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama?

Datapuwa't kung kayo'y hindi pinarurusahan, (K)na pawang naranasan ng lahat, kung gayo'y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.

Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop (L)sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay?

10 Sapagka't katotohanang tayo'y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling; nguni't siya'y sa kapakinabangan natin, (M)upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan.

11 Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; (N)gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito.

12 Kaya't itaas ninyo (O)ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang nanginginig;

13 At magsigawa kayo ng matuwid na landas (P)sa inyong mga paa, upang huwag maligaw ang pilay, (Q)kundi bagkus gumaling.

14 Sundin ninyo (R)ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, (S)at ang pagpapakabanal (T)na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:

15 Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y mahawa ang marami;

16 Baka magkaroon ng sinomang (U)mapakiapid, (V)o mapaglapastangan, gaya ni (W)Esau, na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay.

17 Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit (X)na lumuluha.

18 Sapagka't hindi kayo nagsilapit (Y)sa bundok na nahihipo, at nagliliyab sa apoy, at sa kapusikitan, at sa kadiliman, at sa unos,

19 At (Z)tunog ng pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay (AA)nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita;

20 Sapagka't hindi matiis ang iniuutos, (AB)Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin;

21 At totoong kakilakilabot (AC)ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig:

22 Datapuwa't (AD)nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa (AE)bayan ng Dios na buhay, ang (AF)Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel,

23 Sa pangkalahatang (AG)pulong at iglesia ng mga (AH)panganay (AI)na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,

24 At kay Jesus (AJ)na tagapamagitan ng bagong tipan, at (AK)dugong pangwisik na nagsasalita ng (AL)lalong mabuti kay sa dugo ni Abel.

25 Pagingatan ninyong kayo'y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka't (AM)kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa (AN)nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit:

26 (AO)Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, (AP)Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.

27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.

28 Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios:

29 Sapagka't ang Dios natin ay isang (AQ)apoy na mamumugnaw.

13 Mamalagi nawa ang (AR)pagibig sa mga kapatid.

Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y (AS)walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.

Alalahanin ninyo (AT)ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.

(AU)Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: (AV)sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (AW)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (AX)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Ano pa't ating masasabi ng buong tapang,

(AY)Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot:
Anong magagawa sa akin ng tao?

Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng (AZ)kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.

Si Jesucristo ay (BA)siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.

Huwag nga kayong padala (BB)sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; (BC)hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.

10 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.

11 Sapagka't (BD)ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.

12 Kaya naman si Jesus, upang (BE)mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay (BF)nagbata sa labas ng pintuan.

13 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang (BG)kaniyang pagkadusta.

14 Sapagka't dito'y (BH)wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.

15 Sa pamamagitan nga niya ay (BI)maghandog tayong palagi ng (BJ)hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng (BK)bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

16 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at (BL)ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't (BM)sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.

17 (BN)Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang (BO)mangagsusulit; (BP)upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.

18 Idalangin ninyo kami: (BQ)sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.

19 At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo.

20 Ngayon (BR)ang Dios ng kapayapaan (BS)na muling nagdala mula sa mga patay (BT)sa dakilang pastor ng mga tupa (BU)sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,

21 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa (BV)bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, (BW)na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; (BX)na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

22 Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita.

23 Inyong talastasin na ang (BY)ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya.

24 Batiin ninyo ang lahat ng mga (BZ)namiminuno sa inyo, at ang (CA)lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia.

25 Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978