New Testament in a Year
19 Ano kung gayon ang aking sinasabi? Na ang handog sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang diyus-diyosan ay may kabuluhan?
20 Hindi,(A) sinasabi ko na ang mga bagay na inihahandog ng mga pagano ay kanilang inihahandog sa mga demonyo at hindi sa Diyos, at di ko ibig na kayo'y maging kasama ng mga demonyo.
21 Hindi ninyo maiinuman ang kopa ng Panginoon at ang kopa ng mga demonyo. Kayo'y hindi maaaring makisalo sa mesa ng Panginoon at sa mesa ng mga demonyo.
22 O(B) atin bang papanibughuin ang Panginoon? Tayo ba'y higit na malakas kaysa kanya?
Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos
23 “Lahat(C) ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi lahat ng bagay ay makakabuti. “Lahat ng mga bagay ay matuwid,” ngunit hindi ang lahat ng mga bagay ay makakapagpatibay.
24 Huwag hanapin ng sinuman ang kanyang sariling kapakanan kundi ang kapakanan ng iba.
25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo na walang pagtatanong dahil sa budhi,
26 sapagkat(D) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.”
27 Kung kayo'y anyayahan ng isang hindi sumasampalataya at ibig ninyong pumunta, ang anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo na walang pagtatanong dahil sa budhi.
28 Subalit kung sa inyo'y may magsabi, “Ito'y inialay bilang handog,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahilan sa budhi.
29 Ang ibig kong sabihin ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo. Sapagkat bakit ang aking kalayaan ay paiilalim sa pasiya ng budhi ng iba?
30 Kung ako'y nakikisalo na may pagpapasalamat, bakit ako'y tutuligsain ng dahil sa bagay na aking ipinagpapasalamat?
31 Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
32 Huwag kayong maging katitisuran para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos,
33 kung paanong sinisikap kong makapagbigay-lugod sa lahat ng mga tao sa lahat ng mga bagay, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakanan, kundi ang sa marami, upang sila'y maligtas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001