New Testament in a Year
44 Sumaating mga magulang sa ilang (A)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (B)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni (C)Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (D)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
48 (E)Bagama't ang Kataastaasa'y (F)hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
49 Ang langit ay ang aking luklukan,
(G)At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa:
Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon:
O anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
51 (H)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
52 Alin sa mga propeta ang (I)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (J)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (K)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
55 Datapuwa't siya, (L)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (M)sa kanan ng Dios,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
58 At siya'y kanilang itinapon (N)sa labas ng bayan, (O)at binato: at inilagay (P)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (Q)tanggapin mo ang aking espiritu.
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (R)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978