New Testament in a Year
51 At narito, (A)ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang (B)kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: (C)sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
53 O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?
54 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad (D)ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?
55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng (E)lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
57 (F)At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si (G)Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.
58 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.
59 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay;
60 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman (H)maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,
61 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, (I)Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.
62 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
63 Datapuwa't hindi umimik si (J)Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, (K)Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, (L)ang Anak ng Dios.
64 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay (M)inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
65 Nang magkagayoy hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan:
66 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, (N)Karapatdapat siya sa kamatayan.
67 Nang magkagayo'y (O)niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,
68 Na nangagsasabi, (P)Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?
69 Nakaupo nga si Pedro (Q)sa labas ng (R)looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng (S)taga Galileang si Jesus.
70 Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.
71 At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret.
72 At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao.
73 At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't (T)ipinakikilala ka ng iyong pananalita.
74 Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok.
75 At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, (U)Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978