New Testament in a Year
26 (A)At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
28 Sapagka't (B)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (C)dahil sa marami, (D)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (E)na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo (F)sa kaharian ng aking Ama.
30 (G)At pagkaawit nila (H)ng isang himno, ay (I)nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay (J)mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, (K)Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay (L)mauuna ako sa inyo sa Galilea.
33 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, (M)ako kailan ma'y hindi magdaramdam.
34 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, (N)bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.
35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, (O)Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus (P)na kasama sila sa isang dako na tinatawag na (Q)Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.
37 At kaniyang isinama si Pedro (R)at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.
38 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, (S)at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay (T)lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y (U)huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
40 At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
41 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, (V)upang huwag kayong magsipasok sa tukso: (W)ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
42 Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
43 At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.
44 At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.
45 Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
46 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
47 At (X)samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si (Y)Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan.
48 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya.
49 At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
50 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978