Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

New Testament in a Year

Read the New Testament from start to finish, from Matthew to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mateo 20:17-34

17 Samantalang (A)umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,

18 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,

19 At ibibigay siya (B)sa mga Gentil upang siya'y kanilang (C)alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at (D)sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

20 Nang magkagayo'y (E)lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni (F)Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.

21 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, (G)ang isa sa iyong kanan, at ang isa (H)sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.

22 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo (I)ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.

23 Sinabi niya sa kanila, (J)Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.

24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.

25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, (K)Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi (L)ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;

27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

28 Gayon din naman (M)ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at (N)ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa (O)marami.

29 At nang (P)sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao.

30 At narito, ang (Q)dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.

31 At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.

32 At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?

33 Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin.

34 At si Jesus, sa pagkahabag, ay (R)hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978