Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 14

Hinabol sila ni Faraon.

14 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

Salitain mo sa mga anak ni Israel, (A)na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng (B)Pi-hahiroth, sa pagitan ng (C)Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.

At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.

(D)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (E)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (F)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.

At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?

At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:

At siya'y nagdala ng (G)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.

At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, (H)sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.

(I)At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.

10 At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay (J)humibik sa Panginoon.

11 (K)At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?

12 (L)Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.

13 At sinabi ni Moises sa bayan, (M)Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.

14 (N)Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.

15 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.

16 At (O)itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.

17 At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y (P)magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.

18 At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.

19 At ang anghel ng Dios (Q)na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:

20 At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.

21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (R)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (S)at ang tubig ay nahawi.

22 At ang mga anak ni Israel ay (T)pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.

Ang hukbo ng Egipcio ay nalunod.

23 At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.

24 At nangyari, sa (U)pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.

25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (V)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.

26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.

27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (W)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.

28 At (X)ang tubig ay nagsauli, (Y)at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.

29 Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.

30 (Z)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.

31 At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na (AA)ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.

Lucas 17

17 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad (A)Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.

Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.

Mangagingat kayo sa inyong sarili: (B)kung magkasala ang iyong kapatid, (C)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.

At kung siya'y (D)makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.

At sinabi (E)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

At sinabi ng Panginoon, (F)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.

Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;

At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?

Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?

10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.

11 At nangyari, na (G)samantalang sila'y napapatungo sa Jerusalem, na siya'y nagdaraan sa mga hangganan ng (H)Samaria at (I)Galilea.

12 At sa pagpasok niya sa isang nayon, ay sinalubong siya ng sangpung lalaking ketongin, (J)na nagsitigil sa malayo:

13 At sila'y nagsisigaw na nagsisipagsabi, Jesus, Guro, maawa ka sa amin.

14 At pagkakita niya sa kanila, ay sinabi niya sa kanila, (K)Magsihayo kayo at kayo'y pakita sa mga saserdote. At nangyari, na samantalang sila'y nagsisiparoon, ay nangalinis sila.

15 At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig;

16 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano.

17 At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?

18 Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa?

19 At sinabi niya sa kaniya, (L)Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya.

20 At palibhasa'y tinanong siya ng mga Fariseo, (M)kung kailan darating ang kaharian ng Dios, ay sinagot niya sila at sinabi, Ang kaharian ng Dios ay hindi paririto na mapagkikita:

21 Ni sasabihin man nila, Naririto! o Naririyan! sapagka't narito, ang kaharian ng Dios ay (N)nasa loob ninyo.

22 At sinabi niya sa mga alagad, (O)Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong (P)makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.

23 At sasabihin nila sa inyo, (Q)Naririyan! Naririto! huwag kayong magsisiparoon, ni magsisisunod man sa kanila:

24 Sapagka't gaya (R)ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa (S)kaniyang kaarawan.

25 Datapuwa't (T)kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.

26 At kung paano ang nangyari (U)sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.

27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.

28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay.

29 Datapuwa't nang araw (V)na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat:

30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag.

31 Sa araw na yaon, (W)ang mapapasa bubungan, at nasa bahay ng kaniyang mga pagaari, ay huwag silang manaog upang kunin: at ang nasa bukid ay gayon din, huwag siyang umuwi.

32 Alalahanin ninyo (X)ang asawa ni Lot.

33 Sinomang (Y)nagsisikap ingatan ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: datapuwa't ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay ay maiingatan yaon.

34 Sinasabi ko sa inyo, Sa gabing yaon ay dalawang lalake ang sasa isang higaan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

35 Magkasamang gigiling (Z)ang dalawang babae; kukunin ang isa, at ang isa'y iiwan.[a]

37 At pagsagot nila ay sinabi sa kaniya, Saan, Panginoon? At sinabi niya sa kanila, (AA)Kung saan naroon ang bangkay ay doon din naman magkakatipon ang mga uwak.

Job 32

Ang salita ni Eliu.

32 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y (A)matuwid sa kaniyang sariling paningin.

Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na (B)Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.

Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.

Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.

At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.

At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi,

Ako'y (C)bata, at kayo'y totoong matatanda;
Kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.
Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita,
At ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.
Nguni't may (D)espiritu sa tao,
At ang (E)hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.
(F)Hindi ang dakila ang siyang pantas,
Ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.
10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako;
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita,
Aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran,
Samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
12 Oo, aking inulinig kayo,
At, narito, walang isang makahikayat kay Job,
O sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.
13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan;
Madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;
14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin;
Ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.
15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa;
Sila'y walang salitang masabi,
16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita,
Sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot?
17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin,
Akin namang ipakikilala ang aking haka.
18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita;
Ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,
19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan:
Parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.
20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan:
Aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.
21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman;
Ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.
22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita;
Na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.

2 Corinto 2

Datapuwa't ito'y ipinasiya ko sa aking sarili, na (A)hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan.

(B)Sapagka't kung kayo'y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko?

At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay (C)huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat.

Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; (D)hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.

Datapuwa't (E)kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo).

Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa (F)ng marami;

(G)Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan.

Dahil dito'y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya.

Sapagka't dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo'y mga (H)matalimahin sa lahat ng mga bagay.

10 Datapuwa't ang (I)inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;

11 Upang huwag kaming malamangan ni (J)Satanas: sapagka't kami ay (K)hindi hangal sa kaniyang mga lalang.

12 Nang ako'y (L)dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang (M)pinto sa Panginoon,

13 Ay hindi ako nagkaroon ng (N)katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, (O)ako'y napasa Macedonia.

14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging (P)pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag (Q)ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.

15 Sapagka't (R)sa mga inililigtas, at (S)sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;

16 Sa isa ay samyo (T)mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat (U)sa mga bagay na ito?

17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa (V)pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978