M’Cheyne Bible Reading Plan
Pagtatalaga ng mga saserdote.
8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 (A)Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, (B)at ang mga kasuutan, (C)at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:
3 At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
4 At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
5 At sinabi ni Moises sa kapisanan, (D)Ito ang ipinagawa ng Panginoon.
6 (E)At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.
7 (F)At isinuot sa kaniya ang (G)kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.
8 At ipinatong sa kaniya ang pektoral: (H)at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.
9 (I)At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; (J)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
10 (K)At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.
11 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.
12 (L)At binuhusan ng langis na pangpahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin.
13 (M)At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang pagtatalaga kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
14 (N)At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.
15 At pinatay niya; at (O)kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.
16 (P)At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana.
17 Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; (Q)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
18 (R)At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.
19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
20 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.
21 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 (S)At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.
23 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
25 (T)At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:
26 (U)At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:
27 (V)At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinaka-handog na inalog sa harap ng Panginoon.
28 (W)At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
29 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: (X)ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 (Y)At kumuha si Moises ng langis na pangpahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, (Z)Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.
32 (AA)At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.
33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: (AB)sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.
34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.
35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, (AC)at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.
36 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Awit ng pagpapasalamat sa katarungan ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Muth-labben. Awit ni David.
9 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso;
Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
2 Ako'y magpapakasaya at (A)magpapakagalak sa iyo:
Ako'y aawit ng pagpuri sa (B)iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik,
Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
4 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap;
Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama,
(C)Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man;
At ang mga siyudad na iyong dinaig,
Ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
7 Nguni't ang (D)Panginoon ay nauupong hari magpakailan man:
Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
8 At (E)hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan,
Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati,
Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay (F)maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo;
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
11 Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion:
(G)Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 Sapagka't siyang (H)nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila:
Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon;
Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin,
Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga (I)pintuan ng kamatayan;
14 Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan:
Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion,
(J)Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 Ang mga bansa ay (K)nangahulog sa balon na kanilang ginawa:
Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 Ang Panginoon (L)ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan:
Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah)
17 Ang masama ay mauuwi sa Sheol,
Pati ng lahat ng mga bansa na (M)nagsisilimot sa Dios.
18 Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan,
(N)Ni ang pagasa (O)ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao:
Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon:
Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)
Iba't ibang aral at paalaala.
23 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo,
Kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
2 At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan,
Kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
3 Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain;
Yamang mga marayang pagkain.
4 (A)Huwag kang mainip sa pagyaman;
Tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
5 Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala?
Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak,
Gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
6 (B)Huwag mong kanin ang tinapay (C)niya na may masamang mata,
Ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
7 Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya:
Kumain ka at uminom ka, (D)sabi niya sa iyo;
Nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.
8 Ang subo na iyong kinain ay (E)iyong isusuka,
(F)At iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
9 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang;
Sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10 (G)Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa;
At huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
11 (H)Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas;
Ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
12 Ihilig mo ang iyong puso sa turo,
At ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
13 (I)Huwag mong ipagkait ang saway sa bata:
Sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
14 Iyong hahampasin siya ng pamalo,
At (J)ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
15 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas,
Ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
16 Oo, ang aking puso ay magagalak
Pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
17 (K)Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan:
Kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
18 (L)Sapagka't tunay na may kagantihan;
At ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
19 Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas,
At (M)patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
20 (N)Huwag kang mapasama sa mga mapaglango;
Sa mga mayamong mangangain ng karne:
21 Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan:
At ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
22 (O)Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka,
At huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
23 (P)Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili:
Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
24 Ang ama ng matuwid ay (Q)magagalak na lubos:
At siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
25 Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina,
(R)At magalak siyang nanganak sa iyo.
26 Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso,
At malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
27 (S)Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak;
At ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
28 Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan,
At nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.
29 (T)Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo?
Sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan?
Sino ang may maningas na mata?
30 (U)Silang nangaghihintay sa alak;
Silang nagsisiyaon upang (V)humanap ng pinaghalong alak.
31 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula,
Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,
32 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas,
At tumutukang parang ulupong.
33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay,
At ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat,
O parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
35 Kanilang pinalo ako, (W)iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan;
Kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman:
Kailan gigising ako? (X)aking hahanapin pa uli.
2 Kaya nga nalalaman ninyo rin, (A)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
2 Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (B)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (C)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
3 Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (D)karumihan, ni sa pagdaraya.
4 Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (E)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
5 Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (F)kasakiman, saksi ang Dios;
6 Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (G)kami ng kapamahalaan (H)gaya ng mga apostol ni Cristo.
7 Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
8 Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (I)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
9 Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (J)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:
11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (K)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
12 Upang kayo'y (L)magsilakad ng nararapat sa Dios, (M)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (N)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (O)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad (P)sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: (Q)sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, (R)gaya naman nila sa mga Judio;
15 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din (S)sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;
16 Na pinagbabawalan kaming makipagusap (T)sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang (U)kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.
17 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, (V)sa katawan hindi sa puso, ay (W)nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:
18 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
19 Sapagka't (X)ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, (Y)na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo (Z)sa kaniyang pagparito?
20 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978