Add parallel Print Page Options

27 Siyang sakim sa pakinabang ay bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan:
Nguni't siyang nagtatanim sa mga suhol ay mabubuhay.

Read full chapter

20 Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala:
(A)Nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.

Read full chapter

19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:

Read full chapter

Datapuwa't (A)ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, (B)na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

10 Sapagka't (C)ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

Read full chapter

Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (A)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (B)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

Read full chapter