M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang batas ng handog na susunugin.
1 At (A)tinawag ng Panginoon si Moises (B)at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, (C)Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.
3 Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na (D)walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.
4 (E)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; (F)at tatanggapin sa ikagagaling niya, (G)upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.
5 (H)At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: (I)at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo (J)at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
6 At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.
7 At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;
8 At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang (K)taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:
9 Datapuwa't ang mga (L)lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na (M)amoy sa Panginoon.
10 At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.
11 At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.
12 At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;
13 Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
14 At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga (N)batobato o mga inakay ng kalapati.
15 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:
16 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, (O)at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:
17 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, (P)datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
20 (A)Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita (B)ang bato na naalis na sa libingan.
2 Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang (C)alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.
3 Umalis nga si Pedro, (D)at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.
4 At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
5 At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, (E)ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.
6 Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,
7 At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.
8 Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.
9 Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang (F)kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.
10 Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.
11 Nguni't si Maria ay nakatayo (G)sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;
12 At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.
13 At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.
14 Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, (H)at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.
15 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.
16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa (I)aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako (J)sa aking Ama at inyong Ama, at (K)aking Dios at inyong Dios.
18 Naparoon si Maria Magdalena (L)at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.
19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (M)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (N)Kapayapaan ang sumainyo.
20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (O)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (P)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
22 At nang masabi niya ito, (Q)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
23 Sinomang inyong patawarin ng mga (R)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (S)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, (T)Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (U)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (V)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
30 Gumawa rin nga si Jesus (W)ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
31 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, (X)upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; (Y)at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay (Z)sa kaniyang pangalan.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
17 Maigi ang (A)isang tuyong subo at may katahimikan,
Kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
2 Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya,
At siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
3 (B)Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto:
Nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
4 Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi;
At ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
5 (C)Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa May-lalang sa kaniya:
(D)At ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
6 Ang mga anak ng mga anak ay (E)putong ng mga matatandang tao;
At ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang:
Lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
8 Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo:
Saan man pumihit ay gumiginhawa.
9 Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig:
Nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
10 Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa,
Kay sa isang daang hampas sa mangmang.
11 Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik;
Kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
12 Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak,
(F)Maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
13 (G)Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti,
Kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
14 Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig:
(H)Kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
15 (I)Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid,
Kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
16 Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan,
Gayong wala siyang pagkaunawa?
17 Ang kaibigan ay umiibig (J)sa lahat ng panahon,
At ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18 (K)Ang taong walang unawa ay nakikikamay,
At nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
19 Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit:
(L)Ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
20 Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti:
At (M)siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
21 (N)Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan:
At ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
22 (O)Ang masayang puso ay mabuting kagamutan:
Nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
23 Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa (P)sinapupunan,
(Q)Upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
24 Karunungan ay (R)nasa harap ng mukha ng naguunawa:
Nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
25 (S)Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama,
At kapaitan sa nanganak sa kaniya.
26 Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti,
Ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
27 (T)Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman:
At siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
28 (U)Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas:
Pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
4 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at (A)pinananabikan, aking (B)katuwaan at putong, (C)magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko.
2 Ipinamamanhik ko kay Euodias, at (D)ipinamamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon.
3 Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa (E)aklat ng buhay.
4 Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (F)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
5 Makilala nawa (G)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (H)Ang Panginoon ay malapit na.
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (I)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At (J)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (K)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyong natutuhan (L)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (M)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (N)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (O)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
11 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang (P)masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.
12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa (Q)doon sa (R)nagpapalakas sa akin.
14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na (S)kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.
15 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na (T)nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa (U)Macedonia, (V)alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;
16 Sapagka't sa (W)Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.
17 (X)Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.
18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap (Y)kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, (Z)na isang samyo ng masarap na amoy, isang (AA)handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.
19 At (AB)pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo (AC)ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
20 Ngayon nawa'y suma ating (AD)Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo (AE)ng mga kapatid na kasama ko.
22 Binabati kayo (AF)ng lahat ng mga banal, (AG)lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.
23 Ang biyaya (AH)ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978