M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang sumpa ng Panginoon sa Israel.
24 At kaniyang sinabi kay Moises, Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon, ikaw, at si Aaron, (A)si Nadab, at si Abiu, (B)at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo:
2 At si Moises (C)lamang ang lalapit sa Panginoon; datapuwa't sila'y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya.
3 At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, (D)Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.
4 At (E)sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, (F)at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel.
5 At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka (G)tungkol sa kapayapaan.
6 At (H)kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana.
7 At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.
8 At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, (I)Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.
9 Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:
10 At kanilang (J)nakita ang Dios ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong (K)zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.
11 At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay (L)hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Dios, (M)at kumain at uminom.
Si Moises ay muling napasa bundok.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga (N)tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.
13 At tumindig si Moises, at si Josue na (O)kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios.
14 At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si (P)Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila.
15 At sumampa si Moises sa bundok (Q)at tinakpan ng ulap ang bundok.
16 (R)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na anim na araw: at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap.
17 At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay (S)paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel.
18 At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at (T)si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi.
3 May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang (A)Nicodemo, isang (B)pinuno ng mga Judio:
2 Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't (C)walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, (D)Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak (E)ng tubig at ng (F)Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6 (G)Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.
8 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.
9 Sumagot si Nicodemo at sa kaniya'y sinabi, (H)Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?
10 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito?
11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at (I)hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?
13 At (J)walang umakyat sa langit, kundi (K)ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
14 At (L)kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang (M)itaas ang Anak ng tao;
15 Upang ang sinomang sumampalataya ay (N)magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
16 Sapagka't gayon na lamang (O)ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na (P)ibinigay niya ang kaniyang (Q)bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagka't hindi sinugo ng Dios (R)ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; (S)kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay (T)hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
19 At ito ang kahatulan, (U)na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao (V)ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.
20 Sapagka't ang (W)bawa't isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.
21 Datapuwa't ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.
22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, (X)at bumabautismo.
23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.
24 Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si (Y)Juan.
25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa (Z)paglilinis.
26 At sila'y nagparoon kay Juan, at sa kaniya'y sinabi, Rabi, yaong kasama (AA)mo sa dako pa roon ng Jordan, (AB)na binigyan mong patotoo, narito, siya'y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao'y nagsisiparoon sa kaniya.
27 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.
28 Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, (AC)Hindi ako ang Cristo, kundi, na (AD)ako'y sinugo sa unahan niya.
29 Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae (AE)ay ang kasintahang lalake: datapuwa't ang (AF)kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap.
30 (AG)Siya'y kinakailangang dumakila, ngunit ako'y kinakailangang bumaba.
31 (AH)Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: (AI)ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.
32 At kaniyang (AJ)nakita at (AK)narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at (AL)walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo.
33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang (AM)Dios ay totoo.
34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
35 (AN)Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay.
36 (AO)Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
Nagsisi si Job ng kaniyang kasalanan.
42 Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 (A)Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 (B)Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
(C)Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita;
Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,
6 Kaya't ako'y (D)nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako
Sa alabok at mga abo.
Nagalab ang poot ng Panginoon sa tatlong kaibigan ni Job.
7 At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay (E)Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
8 Kaya't magsikuha kayo sa inyo ngayon ng (F)pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at (G)idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka't siya'y aking tatanggapin, baka kayo'y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka't hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.
9 Sa gayo'y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
10 (H)At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job (I)na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.
11 Nang magkagayo'y nagsiparoon sa kaniya ang lahat (J)niyang mga kapatid na lalake at babae, at lahat na naging kakilala niya ng una, at nagsikain ng tinapay na kasalo niya sa kaniyang bahay; at nakipagdamdam sa kaniya, at inaliw siya tungkol sa lahat na kasamaan na pinasapit sa kaniya ng Panginoon: bawa't tao nama'y nagbigay sa kaniya ng isang putol na salapi, at bawa't isa'y ng isang singsing na ginto.
12 Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon, (K)ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya'y (L)nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
13 (M)Siya nama'y nagkaroon din ng pitong anak na lalake at tatlong anak na babae.
14 At tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima; at ang pangalan ng ikalawa, Cesiah, at ang pangalan ng ikatlo, Keren-hapuch.
15 At sa buong lupain ay walang mga babaing masumpungan na totoong maganda na gaya ng mga anak na babae ni Job: (N)at binigyan sila ng kanilang ama ng mana sa kasamahan ng kanilang mga kapatid.
16 At pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isang daan at apat na pung taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak, at ang mga anak ng kaniyang mga anak, hanggang sa apat na saling lahi.
17 Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.
12 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga (A)pangitain ko at mga (B)pahayag ng Panginoon.
2 Nakikilala ko ang isang lalake (C)kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na (D)inagaw hanggang sa (E)ikatlong langit.
3 At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),
4 Na kung paanong siya'y inagaw (F)sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.
5 Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't (G)tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan.
6 Sapagka't (H)kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.
7 At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang (I)tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis.
8 Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.
9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang (J)aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.
10 Kaya nga (K)ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: (L)sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.
11 (M)Ako'y naging mangmang: pinilit ninyo ako; ako sana'y dapat ninyong (N)purihin: sapagka't (O)sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol, bagaman ako'y walang kabuluhan.
12 Tunay na (P)ang mga tanda ng (Q)apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan.
13 (R)Sapagka't ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia, kundi ang (S)ako'y hindi naging pasanin ninyo? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang (T)ito.
14 Narito, ito ang ikatlo na ako'y handang pumariyan sa inyo; at ako'y hindi magiging pasanin ninyo: (U)sapagka't hindi ko hinahanap ang inyo, kundi kayo: (V)sapagka't hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak.
15 At ako'y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa. Kung kayo'y iniibig ko ng lalong higit, ako baga'y iniibig ng kaunti?
16 Datapuwa't magkagayon man, (W)ako'y hindi naging pasan sa inyo; kundi dahil sa pagkatuso ko, kayo'y hinuli ko sa daya.
17 (X)Kayo baga'y aking dinaya (Y)sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo?
18 Pinamanhikan ko si Tito, (Z)at sinugo kong kasama niya (AA)ang kapatid. Kayo baga'y dinaya ni Tito? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang?
19 Iniisip ninyo na sa buong panahong ito'y kami ay nangagdadahilan sa inyo. Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay, mga minamahal, ay sa inyong mga ikatitibay.
20 Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan, kung ako'y dumating ay kayo'y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko, at (AB)ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo, mga paninibugho, mga kagalitan, mga pagkakampikampi, mga pagsirang-puri, mga paghatid-dumapit, mga kapalaluan, mga pagkakagulo;
21 Baka pagka ako'y dumating na muli ay (AC)ako'y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo, at ako'y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una, at hindi nangagsisi sa karumihan at sa (AD)pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978