Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Historical

Read the books of the Bible as they were written historically, according to the estimated date of their writing.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 11-13

11 Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga (A)kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios.

At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, (B)ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli,

Na nagsisipagsabi, (C)Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila.

Datapuwa't si Pedro ay nagpasimula, at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi,

Ako'y nananalangin sa bayan ng (D)Joppe: at sa kawalan ng diwa'y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok; at dumating hanggang sa akin:

At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit.

At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.

Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.

Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

10 At ito'y nangyaring makaitlo: at muling binatak ang lahat sa langit.

11 At narito, pagdaka'y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea.

12 At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin (E)itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon:

13 At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro;

14 Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw (F)at ng buong sangbahayan mo.

15 At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya (G)naman ng pagbaba sa atin nang una.

16 At (H)naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na (I)si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo.

17 (J)Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?

18 At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, (K)Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil (L)ng pagsisisi sa ikabubuhay.

19 (M)Yaon ngang nagsipangalat sa ibang lupain dahil sa kapighatian na nangyari tungkol kay Esteban ay nangaglakbay hanggang sa (N)Fenicia, at sa (O)Chipre, at sa (P)Antioquia, na hindi nagsaysay kanino man ng salita kundi sa mga Judio lamang.

20 Datapuwa't may ilan sa kanila, mga taong taga Chipre at (Q)taga Cirene, na, nang sila'y magsidating sa Antioquia, ay nangagsalita naman sa mga (R)Griego, na ipinangangaral ang Panginoong Jesus.

21 At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang marami sa nagsisisampalataya (S)ay nangagbalik-loob sa Panginoon.

22 At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si (T)Bernabe hanggang sa Antioquia:

23 Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; (U)at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:

24 Sapagka't siya'y lalaking mabuti, at puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya: at maraming tao ang nangaparagdag sa Panginoon.

25 At siya'y naparoon sa (V)Tarso upang hanapin si Saulo;

26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa (W)Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga (X)Cristiano, sa Antioquia.

27 Nang mga araw ngang ito ay may (Y)lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem.

28 At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang (Z)Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni (AA)Claudio.

29 At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa't isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga (AB)kapatid na nangananahan sa Judea:

30 Na siya nga nilang ginawa, na ipinadala nila (AC)sa mga matanda sa pamamagitan ng kamay ni Bernabe at ni Saulo.

12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.

At pinatay niya sa tabak si (AD)Santiago na kapatid ni Juan.

At (AE)nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.

At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na (AF)tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos (AG)ng Paskua.

Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't (AH)ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.

At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.

At narito, tumayo sa tabi niya (AI)ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.

At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.

At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.

10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; (AJ)na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.

11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga (AK)Judio.

12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni (AL)Juan na may pamagat na (AM)Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon (AN)at nagsisipanalangin.

13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.

14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.

15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na (AO)yao'y kaniyang anghel.

16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.

17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay (AP)Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.

18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.

19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.

20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.

21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa (AQ)luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.

22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.

23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.

24 Datapuwa't lumago (AR)ang salita ng Dios at dumami.

25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, (AS)nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si (AT)Juan na may pamagat na Marcos.

13 Sa iglesia nga na nasa (AU)Antioquia ay may mga propeta at mga (AV)guro, (AW)si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si (AX)Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni (AY)Herodes na tetrarka, at si (AZ)Saulo.

At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at (BA)nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing (BB)itinawag ko sa kanila.

Nang magkagayon, (BC)nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa (BD)Chipre.

At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (BE)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (BF)si Juan.

At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (BG)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;

Na kasama ng (BH)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.

Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.

Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na (BI)puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,

10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (BJ)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?

11 At ngayon, narito, nasa iyo (BK)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (BL)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.

12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.

13 Nagsitulak nga sa (BM)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (BN)sa Jerusalem.

14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (BO)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.

15 At pagkatapos ng pagbasa ng (BP)kautusan at ng (BQ)mga propeta, (BR)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (BS)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (BT)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (BU)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (BV)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (BW)sila roon.

18 At nang panahong halos (BX)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (BY)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (BZ)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (CA)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (CB)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (CC)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (CD)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (CE)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (CF)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (CG)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (CH)Sa binhi ng taong ito, (CI)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (CJ)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (CK)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (CL)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (CM)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.

27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (CN)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (CO)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (CP)ang hatol sa kaniya.

28 At bagaman (CQ)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.

29 At (CR)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (CS)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.

30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (CT)Dios sa mga patay:

31 At (CU)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (CV)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.

32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (CW)pangakong ipinangako sa mga magulang,

33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (CX)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (CY)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (CZ)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.

38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (DA)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (DB)ang kapatawaran ng mga kasalanan:

39 At sa (DC)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (DD)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

41 Tingnan ninyo, (DE)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

42 At pagalis nila, (DF)ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.

43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (DG)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.

44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.

45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay (DH)nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.

46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (DI)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (DJ)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (DK)kami ay pasasa mga Gentil.

47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi,

(DL)Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil,
Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang (DM)lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.

49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.

50 Datapuwa't inudyukan (DN)ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang (DO)mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.

51 Datapuwa't (DP)ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa (DQ)Iconio.

52 At ang mga alagad ay (DR)nangapuspos ng kagalakan at (DS)ng Espiritu Santo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978