Historical
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (N)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (O)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (P)nagpipisan laban sa akin:
(Q)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(R)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (S)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (T)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(U)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (V)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (W)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(X)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (Y)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (Z)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (AA)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (AB)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (AC)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (AD)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (AE)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (AF)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (AG)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.
60 Oh Dios, (AH)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2 Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(AI)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3 (AJ)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(AK)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4 (AL)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 (AM)Upang ang (AN)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 (AO)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(AP)Aking hahatiin ang (AQ)Sichem, at aking susukatin (AR)ang libis ng Succoth,
7 Galaad ay (AS)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (AT)aking setro.
8 (AU)Moab ay aking hugasan;
(AV)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (AW)humiyaw ka dahil sa akin.
9 Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (AX)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (AY)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (AZ)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (BA)yumayapak sa aming mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(BB)Matibay na moog sa kaaway.
4 (BC)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (BD)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (BE)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(BF)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.
62 Sa (BG)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2 Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (BH)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3 Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(BI)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4 Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (BJ)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5 Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6 Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (BK)hindi ako makikilos.
7 (BL)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8 Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(BM)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9 (BN)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(BO)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (BP)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(BQ)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (BR)kagandahang-loob:
Sapagka't (BS)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.
(BT)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (BU)maaga:
Kinauuhawan ka (BV)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (BW)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (BX)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (BY)kita habang ako'y nabubuhay:
(BZ)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (CA)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (CB)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (CC)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (CD)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (CE)luluwalhati;
Sapagka't (CF)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (CG)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (CH)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (CI)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (CJ)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (CK)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (CL)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (CM)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (CN)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(CO)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (CP)lilinisin mo.
4 (CQ)Mapalad ang tao na (CR)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(CS)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(CT)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (CU)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (CV)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(CW)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (CX)Iyong dinadalaw ang lupa, at (CY)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(CZ)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (DA)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978