Historical
Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.
32 Mapalad (A)siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng (B)Panginoon,
At (C)walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang (D)aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka't araw at gabi ay (E)mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang (F)aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, (G)Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa (H)panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 (I)Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 (J)Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 (K)Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
(L)Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 (M)Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't (N)siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 (O)Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.
Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.
33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (P)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (Q)sa ganang matuwid.
2 Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
3 (R)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
4 Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
5 (S)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (T)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
6 (U)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
7 (V)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
8 Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
9 Sapagka't (W)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (X)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (Y)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (Z)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (AA)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (AB)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (AC)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(AD)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (AE)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.
Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (AF)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.
34 Aking pupurihin (AG)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
2 Ang aking kaluluwa ay maghahambog (AH)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
3 Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
4 (AI)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
5 Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (AJ)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
6 Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
7 (AK)Ang anghel ng Panginoon ay (AL)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
8 (AM)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(AN)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
9 Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (AO)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(AP)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (AQ)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (AR)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (AS)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(AT)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (AU)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (AV)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(AW)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (AX)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (AY)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(AZ)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (BA)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.
Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.
35 (BB)Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
2 (BC)Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
3 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
4 (BD)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 (BE)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
6 Maging madilim nawa, at (BF)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
7 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (BG)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
8 (BH)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (BI)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
9 At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
(BJ)Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, (BK)sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 (BL)Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(BM)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (BN)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
(BO)Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17 Panginoon, hanggang (BP)kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
(BQ)Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 (BR)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (BS)magkindat man ng mata (BT)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 Oo, (BU)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (BV)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (BW)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (BX)huwag kang lumayo sa akin.
23 (BY)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 (BZ)Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: (CA)Aming sinakmal siya.
26 (CB)Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
(CC)Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 (CD)At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978