Read the Gospels in 40 Days
4 Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si (A)Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.
2 At nang siya'y makapagayunong (B)apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, (C)Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
5 Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,
6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat,
(D)Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo:
at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
7 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, (E)Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
8 Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
9 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.
10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, (F)Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga (G)anghel at siya'y pinaglingkuran.
12 Nang marinig nga niya na si (H)Juan ay dinakip, (I)ay umuwi siya sa Galilea;
13 At pagkaiwan sa (J)Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:
14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,
15 Ang lupa ni Zabulon (K)at ang lupa ni Neftali,
Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan,
Galilea ng mga Gentil,
16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay
Nakakita ng dakilang ilaw,
At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay
Lumiwanag sa kanila ang ilaw.
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
18 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay (L)nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.
19 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
20 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
21 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.
22 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, (M)na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral (N)ang evangelio ng kaharian, (O)at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
24 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong (P)Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga (Q)inaalihan ng mga demonio, at ang mga (R)himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.
25 (S)At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at (T)Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.
5 At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa (U)bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3 (V)Mapapalad ang mga (W)mapagpakumbabang-loob: (X)sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
4 Mapapalad ang (Y)nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't (Z)mamanahin nila ang lupa.
6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
8 Mapapalad ang mga may (AA)malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
10 Mapapalad (AB)ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang (AC)kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
13 Kayo ang asin ng lupa: (AD)nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.
14 Kayo ang ilaw (AE)ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (AF)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (AG)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (AH)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
17 Huwag ninyong isiping (AI)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (AJ)Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19 Kaya't ang (AK)sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, (AL)Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
22 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang (AM)bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa (AN)Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
23 Kaya't (AO)kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24 Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
25 Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
26 Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.
27 Narinig ninyong sinabi, (AP)Huwag kang mangangalunya:
28 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
29 At (AQ)kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay (AR)dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
30 (AS)At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
31 Sinabi rin naman, Ang (AT)sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
32 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na (AU)ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
33 Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi (AV)sa mga tao sa una, (AW)Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:
34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (AX)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;
35 Kahit ang lupa, sapagka't (AY)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (AZ)siyang bayan ng dakilang Hari.
36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.
37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.
38 Narinig ninyong sinabi, (BA)Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
39 (BB)Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (BC)Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
40 At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
41 At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42 Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.
43 Narinig ninyong sinabi, (BD)Iibigin mo ang iyong kapuwa, at (BE)kapopootan mo ang iyong kaaway:
44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (BF)Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at (BG)idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46 Sapagka't kung kayo'y iibig (BH)sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa (BI)ng mga maniningil ng buwis?
47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 (BJ)Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
6 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.
2 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
3 Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:
4 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
5 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin (BK)ka.
7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: (BL)sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: (BM)sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: (BN)Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
10 (BO)Dumating nawa ang kaharian mo. (BP)Gawin nawa ang iyong kalooban, (BQ)kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
12 At (BR)ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
13 (BS)At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami (BT)sa masama. Sapagka't[a] iyo ang (BU)kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
14 Sapagka't kung ipatawad ninyo (BV)sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.
15 Datapuwa't (BW)kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.
16 Bukod dito, (BX)pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay (BY)langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;
18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
20 (BZ)Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:
21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
22 Ang ilawan ng katawan (CA)ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng liwanag.
23 Datapuwa't kung (CB)masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!
24 Sinoma'y hindi makapaglilingkod (CC)sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga (CD)kayamanan.
25 (CE)Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (CF)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?
26 Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?
27 At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag (CG)ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?
28 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:
29 Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si (CH)Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.
30 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh (CI)kayong mga kakaunti ang pananampalataya?
31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?
32 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; (CJ)yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
33 Datapuwa't (CK)hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
34 Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978