Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
42 At sa pag-alis nina Pablo at Bernabe,[a] nakiusap ang mga tao na ang mga bagay na ito ay muling sabihin sa kanila sa susunod na Sabbath.
43 Nang matapos ang pulong sa sinagoga, marami sa mga Judio at masisipag sa kabanalan na naging Judio ay sumunod kina Pablo at Bernabe, na nagsasalita at humikayat sa kanila na magpatuloy sa biyaya ng Diyos.
44 Nang sumunod na Sabbath ay nagtipon ang halos buong lunsod upang pakinggan ang salita ng Panginoon.[b]
45 Subalit nang makita ng mga Judio ang napakaraming tao, napuno sila ng inggit, nanlapastangan at sinalungat ang mga bagay na sinabi ni Pablo.
46 At nagsalita ng buong katapangan sina Pablo at Bernabe, na nagsasabi, “Kinakailangang ipahayag muna ang salita ng Diyos sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil ito, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kami ngayon ay babaling sa mga Hentil.
47 Sapagkat(A) ganito ang ipinag-utos sa amin ng Panginoon, na sinasabi,
‘Inilagay kitang isang ilaw sa mga Hentil,
upang ikaw ay magdala ng kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’”
48 Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at niluwalhati ang salita ng Diyos; at sumampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.
49 Kaya't lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.
50 Subalit inudyukan ng mga Judio ang mga kilalang babaing masisipag sa kabanalan at ang mga pangunahing lalaki sa lunsod, at nagsimula ng pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga nasasakupan.
51 Kaya't(B) ipinagpag nila ang alikabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagtungo sila sa Iconio.
52 At ang mga alagad ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001