Chronological
Ang bahagi ng mga saserdote sa mga bagay na banal.
18 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, (A)Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay (B)magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.
2 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y (C)lumakip sa iyo at (D)mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.
3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang (E)lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, (F)upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
4 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at (G)sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.
5 (H)At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; (I)upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
6 At ako, narito, aking (J)pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na (K)bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
7 (L)At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; (M)at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At (N)ako'y, narito, aking ibinigay sa (O)iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.
9 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: (P)bawa't alay nila, (Q)bawa't handog na harina nila, (R)at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.
10 (S)Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.
11 At ito ay iyo; (T)ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: (U)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
12 (V)Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.
13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, (W)na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; (X)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
14 Lahat ng mga bagay na (Y)natatalaga sa Israel ay magiging iyo.
15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng (Z)bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: (AA)gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.
16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, (AB)ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario ((AC)na dalawang pung gera).
17 (AD)Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang (AE)dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang (AF)hita ay magiging iyo.
19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: (AG)tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: (AH)ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.
21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (AI)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (AJ)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
22 (AK)At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, (AL)baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang (AM)tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel (AN)na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, (AO)ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.
29 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.
30 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay (AP)ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.
31 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't (AQ)kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
32 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, (AR)pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at (AS)huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.
Ang paglilinis ng marumi sa pamamagitan ng abo ng bakang babae.
19 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa iyo ng isang mapulang guyang bakang babae, na walang kapintasan, na walang dungis, (AT)na hindi pa napapatungan ng pamatok.
3 At ibibigay ninyo kay Eleazar na saserdote, at kaniyang (AU)ilalabas sa kampamento at papatayin ng isa sa kaniyang harapan:
4 At si Eleazar na saserdote ay dadampot ng dugo sa pamamagitan ng kaniyang daliri, at (AV)magwiwisik ng dugo na makapito sa dakong harap ng tabernakulo ng kapisanan:
5 At susunugin ng isa sa paningin niya ang guyang bakang babae; (AW)ang balat niyaon at ang laman niyaon, at ang dugo niyaon, sangpu ng dumi niyaon, ay susunugin niya:
6 At ang saserdote ay kukuha ng (AX)kahoy na sedro, at ng isopo, at ng kulay grana, at ihahagis sa gitna ng pinagsusunugan sa guyang bakang babae.
7 (AY)Saka lalabhan ng saserdote ang kaniyang mga suot at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento at ang saserdote ay magiging marumi hanggang sa hapon.
8 At yaong sumunog sa baka ay maglalaba ng kaniyang mga suot sa tubig at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging marumi hanggang sa hapon.
9 At pupulutin ng isang taong malinis ang mga (AZ)abo ng guyang bakang babae at ilalagay sa labas ng kampamento sa isang (BA)dakong malinis; at iingatan ukol sa kapisanan ng mga anak ni Israel na pinaka (BB)tubig para sa karumihan: handog nga dahil sa kasalanan.
10 At yaong pumulot ng mga abo ng guyang bakang babae ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging marumi hanggang sa hapon; at sa mga anak ni Israel at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, ay magiging isang palatuntunan magpakailan man.
11 (BC)Ang makahipo ng bangkay ng sinomang tao, ay magiging marumi na pitong araw:
12 (BD)Ang gayon ay maglilinis sa pamamagitan ng tubig na yaon sa ikatlong araw, at sa ikapitong araw ay magiging malinis: nguni't kung siya'y hindi maglinis sa ikatlong araw, ay hindi nga siya magiging malinis sa ikapitong araw.
13 Sinomang humipo ng patay, ng bangkay ng taong patay, at hindi maglilinis, ay ihahawa ang (BE)tabernakulo ng Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa Israel: sapagka't ang tubig para sa karumihan ay hindi iniwisik sa kaniya, siya'y magiging marumi; (BF)ang kaniyang karumihan ay sumasakaniya pa.
14 Ito ang kautusan pagka ang isang tao ay namamatay sa isang tolda: lahat na pumapasok sa tolda at lahat na nasa tolda ay magiging maruming pitong araw.
15 At bawa't (BG)sisidlang bukas na walang takip na nakatali roon, ay marumi.
16 At sinomang humipo sa luwal na parang ng alin mang pinatay ng tabak, o ng bangkay, o ng buto ng tao, o ng libingan, ay magiging maruming pitong araw.
17 At sa taong marumi, ay kukuha sila ng mga abo sa sunog niyang handog dahil sa kasalanan, sa mga yaon ay ilalagay ang tubig na buhay sa isang sisidlan.
18 At isang malinis na tao ay kukuha ng (BH)isopo, at itutubog sa tubig at iwiwisik sa tolda at sa lahat ng kasangkapan, at sa mga taong nandoon, at sa humipo ng buto, o ng bangkay, o ng patay, o ng libingan:
19 At iwiwisik ng taong malinis sa marumi sa (BI)ikatlong araw, at sa (BJ)ikapitong araw: at lilinisin niya siya sa ikapitong araw; at siya'y (BK)maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo sa tubig at magiging malinis sa hapon.
20 Nguni't ang taong magiging marumi, at hindi maglilinis, ay ihihiwalay ang taong yaon sa gitna ng kapulungan, sapagka't kaniyang inihawa ang santuario ng Panginoon: ang tubig para sa karumihan ay hindi nawisik sa kaniya; siya'y marumi.
21 At ito'y magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila: at yaong nagwiwisik ng tubig para sa karumihan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at yaong humipo ng tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa hapon.
22 At (BL)anomang hipuin ng taong marumi ay magiging marumi; at ang taong humipo niyaon ay magiging marumi hanggang sa hapon.
Kamatayan ni Miriam.
20 At (BM)ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at (BN)si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.
Ang tubig ng Meriba.
2 At (BO)walang tubig na mainom ang kapisanan; at (BP)sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
3 (BQ)At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay (BR)nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!
4 At (BS)bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?
5 At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
6 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at (BT)nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
8 (BU)Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at (BV)ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.
9 At kinuha ni Moises ang tungkod sa (BW)harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.
10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (BX)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (BY)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't (BZ)hindi kayo sumampalataya sa akin (CA)upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.
13 (CB)Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.
Ang Edom ay tumanggi sa pagdaan ng Israel.
14 (CC)At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa (CD)hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, (CE)Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:
15 (CF)Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay (CG)tumahan sa Egipto na malaong panahon, (CH)at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang:
16 (CI)At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at (CJ)nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:
17 (CK)Isinasamo ko sa iyo, na paraanin mo kami, sa iyong lupain: hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan, ni di kami iinom ng tubig sa mga balon: kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan, hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan.
18 At sinabi ni Edom sa kaniya, Huwag kang magdadaan sa aking lupain, baka kita'y salubungin ng tabak.
19 At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya, Kami ay aahon sa lansangan: at kung kami ay uminom ng iyong tubig, ako at ang aking mga hayop, ay (CL)pagbabayaran ko ang halaga: pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman.
20 At kaniyang sinabi, Huwag kang magdadaan. At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao, at may malakas na kamay.
21 (CM)Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan: (CN)kaya't ang Israel ay lumayo sa kaniya.
Ang kamatayan ni Aaron.
22 At (CO)sila'y naglakbay mula sa Cades: at ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan, ay napasa bundok ng (CP)Hor.
23 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor, sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom, na sinasabi,
24 Si (CQ)Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y (CR)nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.
25 Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.
26 At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay.
27 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon: at sila'y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan.
28 (CS)At hinubaran ni Moises si Aaron, ng kaniyang mga suot, at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak; at namatay si (CT)Aaron doon sa taluktok ng bundok: at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok.
29 At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay, ay kanilang (CU)tinangisan si Aaron na tatlong pung araw, sa makatuwid baga'y ng buong sangbahayan ni Israel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978