Book of Common Prayer
33 Kaniyang (A)pinapagiging ilang ang mga ilog,
At uhaw na lupa ang mga bukal:
34 Na maalat na ilang (B)ang mainam na lupain,
Dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang,
At mga bukal ang tuyong lupain.
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom,
Upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan,
At magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38 (C)Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami;
At hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay
Sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40 Kaniyang (D)ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo,
At kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
41 (E)Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian,
At ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42 Makikita ng matuwid, at matutuwa;
(F)At titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43 (G)Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito,
At kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
Awit, Salmo ni David.
108 Ang aking (H)puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2 Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 (I)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga (J)alapaap.
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6 (K)Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8 Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
9 Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
(L)Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10 Sinong magpapasok sa akin sa (M)bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
(N)At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 (O)Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.
33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
2 Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
3 (C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
4 Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
5 (D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
6 (F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
7 (G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
8 Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
9 Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.
15 Inihayag nga ng (A)Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi,
16 Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, (B)at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking (C)tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.
17 At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, (D)Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.
18 Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita.
19 At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo.
20 (E)At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?
21 At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa (F)pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang (G)aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?
22 At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan, at ipinasok niya sila sa kabahayan, at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan, na may tatlong pung katao.
23 At sinabi ni Samuel sa tagapagluto, Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, Ilagay mo ito sa iyo.
24 At itinaas nga ng tagapagluto ang (H)hita, at yaong nakapatong, at inilagay sa harap ni Saul. At sinabi ni Samuel, Narito, siya ngang itinago! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo, sapagka't aking sinabi, Aking inanyayahan ang bayan. Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon.
25 At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa (I)bubungan ng bahay.
26 At sila'y bumangong maaga: at nangyari sa pagbubukang liwayway, na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, na sinasabi, Bangon, upang mapagpaalam kita. At si Saul ay bumangon, at lumabas kapuwa sila, siya at si Samuel.
27 At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna,) nguni't tumigil ka (J)sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios.
Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.
10 (K)Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang (L)mana?
30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya (A)ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.
31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,
32 (B)Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.
33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.
34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.
35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas (C)sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
36 Pinatnugutan sila (D)ng taong ito, pagkagawa (E)ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.
37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang (F)propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama (G)ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap (H)ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,
40 Na sinasabi kay Aaron, (I)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang (J)guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (K)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,
39 At siya'y lumabas, (A)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.
40 At nang siya'y dumating sa dakong yaon, ay sinabi niya (B)sa kanila, Magsipanalangin kayo nang huwag kayong magsipasok sa tukso.
41 At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin,
42 Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.
43 At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.
44 At nang siya'y nanglulumo ay (C)nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa.
45 At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,
46 At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon (D)kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.
47 (E)Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan.
48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?
49 At nang makita ng mga kasama niya ang mangyayari, ay kanilang sinabi, Panginoon, magsisipanaga baga kami (F)ng tabak?
50 At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kanang tainga niya.
51 Datapuwa't sumagot si Jesus, na nagsabi, Pabayaan ninyo sila hanggan dito. At (G)hinipo niya ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978