Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 38

Panalangin ng nagdudusang lingkod. Awit ni (A)David, sa pagaalaala.

38 Oh Panginoon, (B)huwag mo akong sawayin sa iyong pagiinit:
Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
Sapagka't ang (C)iyong mga pana ay nagsitimo sa akin,
At (D)pinipisil akong mainam ng iyong kamay.
Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit;
(E)Ni may kaginhawahan man sa aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
Sapagka't ang (F)aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo:
Gaya ng isang pasang mabigat ay (G)napakabigat sa akin.
(H)Ang aking mga sugat ay mabaho, at putokputok,
Dahil sa aking kamangmangan.
Ako'y nahirapan at ako'y (I)nahukot;
Ako'y tumatangis buong araw.
Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap;
At walang kagalingan sa aking laman.
Ako'y nanglalata, at bugbog na mainam:
(J)Ako'y umangal dahil sa kaba ng aking loob.
Panginoon, lahat ng aking nais ay nasa harap mo;
At ang aking hibik ay hindi lingid sa iyo.
10 Ang aking loob ay kakabakaba, ang aking kalakasan ay nanglalata:
Tungkol sa (K)liwanag ng aking mga mata, ay napawi rin ito sa akin.
11 (L)Ang mga mangliligaw at mga kaibigan ko ay nangatayong malayo sa aking paghihirap;
At ang aking mga kamaganak (M)ay nakalayo.
12 Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay (N)nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin;
(O)At silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay,
At nangagiisip ng pagdaraya buong araw.
13 Nguni't ako'y gaya ng binging tao, na hindi nakakarinig;
(P)At ako'y gaya ng piping tao, na hindi ibinubuka ang kaniyang bibig.
14 Oo, ako'y gaya ng tao na hindi nakakarinig,
At sa kaniyang bibig ay walang mga kasawayan.
15 Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon ay umaasa ako:
Ikaw ay sasagot, Oh Panginoon kong Dios.
16 Sapagka't aking sinabi: (Q)Baka ako'y kagalakan nila:
Pagka ang aking paa ay nadudulas, ay nagsisipagmataas sila laban sa akin.
17 Sapagka't ako'y madali ng mahulog,
At ang aking kapanglawan ay laging nasa harap ko.
18 Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan;
(R)Aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.
19 Nguni't ang aking mga kaaway ay buháy at malalakas:
At silang nangagtatanim sa akin na may kamalian ay (S)dumami.
20 (T)Sila namang nangagbabayad ng kasamaan sa mabuti
Ay mga kaaway ko, (U)sapagka't aking sinunod ang bagay na mabuti.
21 Huwag mo akong pabayaan, Oh Panginoon:
Oh Dios ko, huwag kang lumayo sa akin.
22 Magmadali kang tulungan mo ako,
Oh Panginoon na aking kaligtasan.

Mga Awit 119:25-48

DALETH.

25 (A)Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok:
(B)Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
26 Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin:
Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
27 (C)Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin:
Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
28 Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob:
Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
29 Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan:
At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
30 Aking pinili ang daan ng pagtatapat:
Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
31 Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo:
Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
32 Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos,
Pagka iyong (D)pinalaki ang aking puso.

HE.

33 Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan;
At aking iingatan hanggang sa wakas.
34 Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan;
Oo, aking susundin ng aking buong puso.
35 Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos;
Sapagka't siya kong (E)kinaaliwan.
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo,
At huwag sa (F)kasakiman.
37 (G)Alisin mo ang aking mga mata (H)sa pagtingin ng walang kabuluhan.
At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
38 (I)Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod,
Na ukol sa takot sa iyo.
39 Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan:
Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
40 Narito, ako'y (J)nanabik sa iyong mga tuntunin;
Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.

VAU.

41 (K)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
42 Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
Sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
43 At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig;
Sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
Magpakailan-kailan pa man.
45 At lalakad ako sa kalayaan;
Sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
46 (L)Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari,
At hindi ako mapapahiya.
47 At ako'y maaaliw sa iyong mga utos,
Na aking iniibig.
48 (M)Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig;
At ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.

Josue 3:1-13

Ang bilin sa pagtawid sa Jordan.

At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa (A)Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.

At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga (B)pinuno ay napasa gitna ng kampamento;

(C)At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, (D)at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.

(E)Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.

At sinabi ni Josue sa bayan, (F)Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.

At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, (G)Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, (H)na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.

At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.

At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.

10 At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buháy na (I)Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang (J)Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.

11 Narito, ang kaban ng tipan ng (K)Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.

12 Ngayon nga ay kumuha kayo ng (L)labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake (M)sa bawa't lipi.

13 At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at (N)magiisang bunton.

Roma 11:25-36

25 Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa (A)inyong sariling mga haka, na ang (B)katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, (C)hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;

26 At sa ganito'y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat,

(D)Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas;
Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:
27 At ito ang aking tipan sa kanila,
Pagka (E)aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.

28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa't tungkol sa pagkahirang, ay mga (F)pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.

29 Sapagka't (G)ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.

30 Sapagka't kung paanong kayo (H)nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa't ngayon kayo'y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,

31 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama'y magkamit ngayon ng habag.

32 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng (I)Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.

33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol (J)niya, at (K)hindi malirip na kaniyang mga daan!

34 Sapagka't (L)sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?

35 O (M)sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?

36 Sapagka't (N)kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. (O)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Mateo 25:31-46

31 Datapuwa't (A)pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng (B)mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:

32 At (C)titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;

33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.

34 Kung magkagayo'y sasabihin (D)ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, (E)manahin ninyo (F)ang kahariang nakahanda sa inyo (G)buhat nang itatag ang sanglibutan:

35 Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;

36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako'y nagkasakit, at inyo (H)akong dinalaw; ako'y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.

37 Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?

38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka?

39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?

40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (I)Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

41 Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na (J)walang hanggan na inihanda sa (K)diablo at sa (L)kaniyang mga anghel:

42 Sapagka't ako'y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako'y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom;

43 Ako'y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw.

44 Kung magkagayo'y sila nama'y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?

45 Kung magkagayo'y sila'y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin.

46 At (M)ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang (N)buhay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978