Book of Common Prayer
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
102 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 (A)Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
(B)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 (C)Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At (D)ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4 Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at (E)natuyo;
Sapagka't (F)nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5 Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6 Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7 Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9 Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang (G)aking inumin ng iyak.
10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 (H)Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12 Nguni't (I)ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At (J)ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13 Ikaw ay babangon at (K)maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, (L)ang takdang panahon ay dumating.
14 Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15 Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang (M)pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16 Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita (N)sa kaniyang kaluwalhatian;
17 (O)Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18 Ito'y (P)isusulat na ukol sa lahing susunod:
At (Q)ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19 Sapagka't siya'y tumungo (R)mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 (S)Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 (T)Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22 Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
(U)Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 (V)Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y (W)lampas sa mga sali't saling lahi.
25 Nang una ay (X)inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 (Y)Sila'y uuwi sa wala, nguni't (Z)ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27 Nguni't (AA)ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 (AB)Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
(AC)At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (L)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (M)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (N)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (O)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (P)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (Q)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(R)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (S)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(T)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (U)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(V)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (W)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (X)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (Y)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (Z)ako'y iyong lingkod.
10 Ang mga matanda ng anak na babae ng Sion ay nangauupo sa lupa, (A)sila'y nagsisitahimik;
(B)Sila'y nangagsabog ng alabok sa kanilang mga ulo; sila'y nangagbigkis ng kayong magaspang:
Itinungo ng mga dalaga sa Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
11 Pinangangalumata ng mga luha ang aking mga mata, namamanglaw ang aking puso,
Ako'y lubhang nahahapis, (C)dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan,
Dahil sa ang mga bata at ang mga pasusuhin ay nanganglulupaypay sa mga langsangan ng bayan.
12 Kanilang sinasabi sa kanilang mga ina,
Saan nandoon ang trigo at alak?
Pagka sila'y nanganglulupaypay na parang sugatan sa mga lansangan sa bayan,
Pagka ang kanilang kaluluwa ay nanglulupaypay sa kandungan ng kanilang mga ina.
13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? (D)sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem?
Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion?
Sapagka't ang iyong sira ay (E)malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo?
14 Ang iyong mga propeta ay (F)nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan;
At hindi nila (G)inilitaw ang iyong kasamaan, (H)upang bawiin ang iyong pagkabihag,
Kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang (I)walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.
15 Lahat na nangagdaraan ay (J)ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo;
Sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi,
Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao (K)Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?
16 Ibinukang maluwang ng (L)lahat mong kaaway ang kanilang bibig laban sa iyo:
Sila'y nagsisisutsot at nagsisipagngalit ng ngipin; kanilang sinasabi, Aming nilamon siya;
Tunay na ito ang kaarawan na aming hinihintay; aming nasumpungan, (M)aming nakita.
17 Ginawa ng Panginoon ang (N)kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos (O)nang mga kaarawan nang una;
Kaniyang ibinagsak, at hindi naawa:
At kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang (P)sungay ng iyong mga kalaban.
18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon:
(Q)Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi;
Huwag kang magpahinga; huwag maglikat (R)ang itim ng iyong mata.
14 Kaya, mga minamahal ko, (A)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.
15 Ako'y nagsasalitang tulad (B)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.
16 Ang saro ng pagpapala (C)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?
17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (D)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.
27 (A)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa't (B)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (C)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (D)nangatutulog.
31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (E)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
12 At nang unang araw (A)ng mga tinapay na walang lebadura, nang kanilang inihahain ang kordero ng paskua, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua?
13 At sinugo ang (B)dalawa sa kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa bayan, at doo'y masasalubong ninyo ang isang lalake na may dalang isang bangang tubig: sundan ninyo siya;
14 At saan man siya pumasok, ay sabihin ninyo sa puno ng sangbahayan, Sinasabi ng Guro, Saan naroon ang aking tuluyan, na makakanan ko ng kordero ng paskua na kasalo ng aking mga alagad?
15 At ituturo niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nagagayakan at handa na: at ipaghanda ninyo roon tayo.
16 At nagsiyaon ang mga alagad, at nagsipasok sa bayan, at nasumpungan ang ayon sa sinabi niya sa kanila: at inihanda nila ang kordero ng paskua.
17 At nang gumabi na (C)ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa.
18 At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako.
19 Sila'y nagpasimulang nangamanglaw, at isaisang nagsabi sa kaniya, Ako baga?
20 At sinabi niya sa kanila, Isa nga sa labingdalawa, yaong sumabay sa aking sumawsaw sa pinggan.
21 Sapagka't papanaw ang Anak ng tao, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong nagkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.
22 At samantalang sila'y nagsisikain, ay (D)dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.
23 At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo'y nagsiinom silang lahat.
24 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.
25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978