Book of Common Prayer
Ang hari ng kaluwalhatian ay pumasok sa banal na bundok. Awit ni David.
24 (A)Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito;
Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.
2 (B)Sapagka't itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat,
At itinatayo sa ibabaw ng mga baha.
3 (C)Sinong aahon sa bundok ng Panginoon?
At sinong tatayo sa kaniyang (D)dakong banal?
4 (E)Siyang may malinis na mga kamay at (F)may dalisay na puso;
Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,
At hindi sumumpa na may kabulaanan.
5 Siya'y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,
At ng katuwiran sa (G)Dios ng kaniyang kaligtasan.
6 Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya,
Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga'y Jacob. (Selah)
7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo,
Oh kayong mga pintuang-bayan;
At kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay (H)papasok.
8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoong malakas at makapangyarihan,
Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.
9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan;
Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan:
At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.
10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?
Ang Panginoon ng mga hukbo,
Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.
29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
3 (C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6 Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.
8 Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
2 (C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
3 (D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
4 (E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
5 Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 (F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
7 Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
9 (H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ng mga anak ni Core.
84 Kay (A)iinam ng iyong mga tabernakulo,
Oh Panginoon ng mga hukbo!
2 (B)Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon;
Ang puso ko't laman ay dumadaing sa buháy na Dios.
3 Oo, (C)ang maya ay nakasumpong ng bahay,
At ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay,
Sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo,
Hari ko, at Dios ko.
4 (D)Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay:
Kanilang pupurihin kang (E)palagi. (Selah)
5 Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo;
Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
6 Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal;
Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
7 (F)Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan,
Bawa't isa sa kanila ay (G)napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin:
Pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
9 Masdan mo, (H)Oh Dios na aming kalasag,
At tingnan mo ang mukha ng (I)iyong pinahiran ng langis.
10 Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo.
Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios,
Kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
11 Sapagka't ang Panginoong Dios (J)ay araw at kalasag:
Ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian:
(K)Hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
12 Oh Panginoon ng mga hukbo,
(L)Mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
14 (A)Nang magkagayo'y nagsugo si Faraon at ipinatawag si Jose, (B)at siya'y inilabas na madalian (C)sa bilangguan: siya'y nagahit at nagbihis ng suot, at naparoon kay Faraon.
15 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at walang makapagpaliwanag: (D)at nabalitaan kita, na pagkarinig mo ng isang panaginip ay naipaliwanag mo.
16 At sumagot si Jose kay Faraon, na sinasabi, (E)Wala sa akin; (F)Dios ang magbibigay ng sagot sa kapayapaan kay Faraon.
17 At sinalita ni Faraon kay Jose, Sa aking panaginip ay narito, nakatayo ako sa tabi ng ilog:
18 At, narito, may nagsiahon sa ilog na pitong bakang matatabang laman at magagandang anyo, at nanginain sa talahiban:
19 At, narito, may ibang pitong baka na nagsiahon sa likuran nila, mga payat, at napakapangit ang anyo, at payat na kailan ma'y hindi ako nakakita sa buong lupain ng Egipto ng ibang kawangis ng mga yaon sa kapangitan.
20 At kinain ng mga bakang payat at pangit, ang pitong nauunang bakang matataba:
21 At nang kanilang makain, ay hindi man lamang maalaman na sila'y kanilang nakain; kundi ang kanilang anyo ay pangit ding gaya ng una. Sa gayo'y nagising ako.
22 At nakakita ako sa aking panaginip, at, narito, pitong uhay ay tumataas sa isang tangkay, mapipintog at mabubuti.
23 At, narito, may pitong uhay na lanta, mga pipi at tinutuyo ng hanging silanganan na nagsitaas na kasunod ng mga yaon:
24 At nilamon ng mga uhay na lanta ang pitong uhay na mabubuti: (G)at aking isinaysay sa mga mago: datapuwa't walang makapagpahayag niyaon sa akin.
25 At sinabi ni Jose kay Faraon, Ang panaginip ni Faraon ay iisa; ang gagawin ng (H)Dios ay ipinahayag kay Faraon:
26 Ang pitong bakang mabubuti ay pitong taon; at ang pitong uhay na mabubuti ay pitong taon; ang panaginip ay iisa.
27 At ang pitong bakang payat at mga pangit, na nagsiahong kasunod ng mga yaon ay (I)pitong taon, at gayon din ang pitong uhay na tuyo, na pinapaspas ng hanging silanganan; kapuwa magiging pitong taong kagutom.
28 (J)Iyan ang bagay na sinalita ko kay Faraon: ang gagawin ng Dios, ipinaalam kay Faraon.
29 (K)Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto;
30 (L)At may dadating, pagkatapos ng mga iyan, na pitong taong kagutom; at malilimutan iyang buong kasaganaan sa lupain ng Egipto; (M)at pupuksain ng kagutom ang lupain;
31 At ang kasaganaan ay hindi malalaman sa lupain, dahil sa kagutom na sumusunod; sapagka't magiging napakahigpit.
32 At kaya't pinagibayo ang panaginip kay Faraon na makalawa, ay sapagka't (N)bagay na itinatag ng Dios, at papangyayarihing madali ng Dios.
33 Ngayon nga'y humanap si Faraon ng isang taong matalino at pantas, at ilagay sa lupain ng Egipto.
34 Gawing ganito ni Faraon, at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain, na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan.
35 (O)At kanilang tipunin ang lahat ng pagkain nitong mabubuting taon na dumarating, at magkamalig ng trigo sa kapangyarihan ng kamay ni Faraon, na pinakapagkain sa mga bayan at ingatan.
36 At ang pagkain ay kamaligin na itaan sa lupain sa pitong taong kagutom na mangyayari sa lupain ng Egipto; upang huwag mapuksa ang lupain sa kagutom.
Ginawa siyang tagapamahala sa Egipto.
37 At ang bagay ay minabuti ng mga mata ni Faraon, at ng mga mata ng kaniyang mga lingkod.
38 At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga lingkod, Makakasumpong kaya tayo ng isang gaya nito, (P)na taong kinakasihan ng espiritu ng Dios?
39 At sinabi ni Faraon kay Jose, Yamang ipinabatid sa iyo ng Dios: ang lahat ng ito, ay walang matalino o pantas na gaya mo:
40 (Q)Ikaw ay magpupuno sa aking bahay, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo.
41 At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto.
42 At (R)inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose, (S)at siya'y sinuutan ng magandang (T)lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg;
43 At siya'y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon (U)at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: (V)at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto.
44 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako'y si Faraon, at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto.
Pagaasawa ni Jose.
45 At pinanganlan ni Faraon si Jose na Zaphnath-paanea, at ibinigay na asawa sa kaniya si Asenath, na anak ni Potiphera, na saserdote sa On. At lumabas si Jose, sa lupain ng Egipto.
3 O hindi baga ninyo nalalaman na (A)tayong lahat na mga nabautismuhan (B)kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
4 Tayo nga'y (C)nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si (D)Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan (E)ng kaluwalhatian ng Ama, ay (F)gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5 Sapagka't (G)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang (H)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (I)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
7 Sapagka't (J)ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
8 Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay (K)naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;
9 Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya.
10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay (L)na minsan (M)sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
11 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't (N)mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.
12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita:
13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka (O)kasangkapan ng katuwiran sa Dios.
14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't (P)wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.
19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, (A)katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan.
20 Sapagka't (B)sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas.
21 Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at (C)sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin.
22 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang (D)buong paghatol;
23 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. (E)Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.
24 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (F)Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, (G)kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978