Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 26

Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.

26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
(D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
(E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
(F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Mga Awit 28

Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.

28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
(H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Mga Awit 36

Kasalanan ng tao at ang pagibig ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni (A)David na lingkod ng Panginoon.

36 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
(B)Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
(C)Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata,
Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan:
(D)Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
Siya'y kumakatha ng (E)kasamaan sa kaniyang higaan;
Siya'y lumagay (F)sa isang daan na hindi mabuti;
Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
Ang iyong kagandahang-loob, (G)Oh Panginoon, ay nasa mga langit:
Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
(H)Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios:
Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman:
Oh Panginoon, iyong iniingatan (I)ang tao at hayop.
(J)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (K)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng (L)iyong bahay;
At iyong paiinumin sila (M)sa (N)ilog (O)ng iyong kaluguran.
(P)Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay:
(Q)Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa (R)kanila na nangakakakilala sa iyo:
At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan,
At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan:
Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.

Mga Awit 39

Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.

39 Aking sinabi, (A)Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
(B)Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
Ang aking puso ay (C)mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
Panginoon, (D)ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang (E)aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang (F)walang kabuluhan. (Selah)
Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(G)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(H)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(I)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(J)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
(K)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (L)ikaw ang gumawa.
10 (M)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
(N)Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(O)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(P)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (Q)gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 (R)Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.

Job 12:1

Pinatunayan ni Job ang kapangyarihan ng Dios.

12 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,

Job 13:3-17

Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
Nguni't kayo'y (A)mapagkatha ng mga kabulaanan.
(B)Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat!
(C)At magiging inyong karunungan.
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
At inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Kayo ba'y mangagsasalita ng (D)kalikuan dahil sa Dios,
At mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios?
Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
(E)Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya?
(F)O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
Kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan,
At ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang (G)abo,
Ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita,
At paratingin sa akin ang darating.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
At aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 (H)Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin (I)siya:
Gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan;
Sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita,
At ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.

Job 13:21-27

21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin;
At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
(A)Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 (B)Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha,
At inaari mo (C)akong iyong kaaway?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin?
At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 (D)Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin,
At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 (E)Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan,
At pinupuna mo ang lahat kong landas:
Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:

Mga Gawa 12:1-17

12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.

At pinatay niya sa tabak si (A)Santiago na kapatid ni Juan.

At (B)nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.

At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na (C)tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos (D)ng Paskua.

Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't (E)ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.

At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.

At narito, tumayo sa tabi niya (F)ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.

At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.

At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.

10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; (G)na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.

11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga (H)Judio.

12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni (I)Juan na may pamagat na (J)Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon (K)at nagsisipanalangin.

13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.

14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.

15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na (L)yao'y kaniyang anghel.

16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.

17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay (M)Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.

Juan 8:33-47

33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, (A)Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?

34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, (B)Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: (C)ang anak ang nananahan magpakailan man.

36 (D)Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.

37 Talastas ko na kayo'y (E)binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.

38 Sinasalita ko (F)ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa (G)inyong Ama.

39 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (H)Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.

40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, (I)Hindi kami inianak sa pakikiapid; (J)may isang Ama kami, ang Dios.

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: (K)sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.

44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang (L)mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka (M)nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

45 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.

46 (N)Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?

47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978