Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 116 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Sofonias 3:14-20' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Marcos 15:47-16:7

47 Nakita ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan inilibing si Jesus.

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus(A)

16 Pagkaraan ng araw ng Sabbath, si Maria Magdalena, si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay bumili ng pabango upang pahiran ang bangkay ni Jesus. Pagkasikat ng araw nang unang araw ng Linggo, maagang-maaga pa ay pumunta sila sa libingan. Nag-uusap-usap sila habang nasa daan, “Sino kaya ang mapapakiusapan nating maggulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?” Ngunit natanaw nilang naigulong na ang napakalaking batong pantakip. Pagpasok nila sa libingan, nakita nila ang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit. Nakaupo ito sa gawing kanan. At natakot sila. Ngunit sinabi ng binata sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazareth, ang ipinako sa krus; wala na siya rito; Siya'y binuhay na muli! Tingnan ninyo ang lugar na pinaglagyan sa kanya! Humayo (B) kayo at sabihin ninyo sa kanyang mga alagad at kay Pedro, ‘Mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita, gaya ng sinabi niya sa inyo.’ ”

Error: 'Awit 30 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 149 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Corinto 1:3-7

Pasasalamat sa Gitna ng Paghihirap

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kahabagan at Diyos ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa lahat ng ating paghihirap, upang maaliw natin ang nasa anumang paghihirap, sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin mula sa Diyos. Sapagkat kung paanong ang paghihirap ni Cristo ay sumasagana sa ating buhay, sa pamamagitan din ni Cristo ay umaapaw ang ating kaaliwan. Ngunit kung pinahihirapan man kami, ito ay upang kayo'y maaliw at maligtas. Kung kami ay inaaliw, ito ay upang kayo'y maaliw, at sa pamamagitan nito'y magkakaroon kayo ng kakayahang magtiis ng mga pagdurusang aming dinaranas. Matibay ang aming pag-asa tungkol sa inyo, sapagkat alam namin na kung kayo'y karamay namin sa pagdurusa, karamay din namin kayo sa kaaliwang tinatanggap namin.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.