Book of Common Prayer
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
9 (H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (A)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (B)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (C)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(D)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (E)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (F)hinamak ng bayan.
7 (G)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (H)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (I)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (J)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (K)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (L)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(M)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(N)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(O)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (P)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (Q)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (R)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (S)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (T)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (U)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (V)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (W)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (X)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (Y)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (Z)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (A)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 (B)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(C)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (D)parang hain sa kinahapunan.
3 (E)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (F)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 (G)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (H)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka't ang mga mata ko'y (I)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako (J)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (K)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.
143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (A)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 (B)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (C)walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (D)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 (E)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 (F)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(G)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (H)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(I)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (J)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(K)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (L)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (M)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (N)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (O)ako'y iyong lingkod.
Pinayuhan na mamanatag ang mga nadalang bihag.
29 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa (A)mga matanda sa pagkabihag, at sa (B)mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,
5 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, (A)at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.
6 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.
7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, (B)at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng (C)inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
9 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (D)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (E)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, (F)upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
13 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y (A)ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;
14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at (B)maligtas ang ilan sa kanila.
15 Sapagka't kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16 At kung ang (C)pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.
17 Datapuwa't kung (D)ang ilang mga sanga'y nangabali, (E)at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;
18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.
19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.
20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at (F)sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:
21 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.
22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa't ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay (G)ikaw man ay puputulin.
23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka't makapangyarihan ang Dios upang sila'y isanib na muli.
24 Sapagka't kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?
11 Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga (A)Betania, na nayon ni (B)Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.
2 At ito'y yaong (C)si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.
3 Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.
4 Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, (D)kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.
5 Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.
6 Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, (E)siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.
7 Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.
8 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang (F)batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?
9 Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? (G)Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.
10 Nguni't (H)ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
11 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay (I)natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
15 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.
16 Si (J)Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
17 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang (K)apat na araw na siya'y nalilibing.
18 Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio;
19 At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid.
20 Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay.
21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
22 At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.
23 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid.
24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa (L)pagkabuhay na maguli sa huling araw.
25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako (M)ang pagkabuhay na maguli, (N)at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay (O)hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
27 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: (P)sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang naparirito sa sanglibutan.
12 Anim na araw nga bago (A)magpaskua ay naparoon (B)si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni (C)Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
2 (D)Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
3 Si Maria nga'y kumuha ng (E)isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at (F)pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
4 Datapuwa't (G)si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,
5 Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
6 Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, (H)at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
7 Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong (I)ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.
9 Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, (J)na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
10 Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978