Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 131-133

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Panalangin upang basbasan ng Panginoon ang Santuario. Awit sa mga Pagsampa.

132 Panginoon, alalahanin mo para kay David
Ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong (E)sumumpa siya sa Panginoon,
At nanata sa (F)Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay,
Ni sasampa man sa aking higaan,
(G)Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata,
O magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
(H)Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon,
Ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, (I)narinig namin (J)sa Ephrata:
Aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo;
Kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
(K)Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako:
Ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
(L)Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran;
At magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
10 Dahil sa iyong lingkod na kay David
Huwag mong ipihit ang mukha ng (M)iyong pinahiran ng langis.
11 Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan;
Hindi niya babaligtarin:
(N)Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan.
At ang aking patotoo na aking ituturo,
Magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
13 Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion;
Kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
14 Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man.
Dito ako (O)tatahan; sapagka't aking ninasa.
15 Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain;
Aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
16 (P)Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan:
At ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
17 (Q)Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David:
Aking ipinaghanda ng ilawan ang aking (R)pinahiran ng langis.
18 Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan:
Nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.

Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (S)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang (T)mahalagang langis (U)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa (V)Hermon,
Na tumutulo sa mga (W)bundok ng Sion:
Sapagka't (X)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Mga Awit 140

Panalangin upang ingatan laban sa manlulupig. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David

140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso:
(A)Laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas;
(B)Kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
(C)Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama;
Ingatan mo ako sa marahas na tao:
Na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
(D)Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali;
Kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan;
Sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko:
Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan,
Iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama;
Huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka (E)sila'y mangagmalaki. (Selah)
Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot,
Takpan sila (F)ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 (G)Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas:
Mangahagis sila sa apoy;
Sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa:
Huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na (H)aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati,
At ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan:
Ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.

Mga Awit 142

Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.

142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
(C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
(E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
(J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.

Jeremias 26:1-16

Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.

26 Nang (A)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (C)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.

Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (D)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.

At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (E)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,

Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (F)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;

Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (G)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (H)sumpa (I)sa lahat ng mga bansa sa lupa.

At narinig (J)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.

Ang lalang laban kay Jeremias.

At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.

Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (K)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.

10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong (L)pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.

11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; (M)sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.

12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.

13 Kaya't (N)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.

14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.

15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.

Ang lalang ay nawalang bisa.

16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.

Roma 11:1-12

11 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka't (A)ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa angkan ni Benjamin.

(B)Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na (C)nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:

Panginoon, pinatay nila (D)ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.

Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? (E)Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.

Gayon din nga (F)sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.

Nguni't (G)kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.

Ano nga? Ang hinahanap ng (H)Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas:

Ayon sa nasusulat, (I)Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, (J)ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.

At sinasabi ni David,

Ang kanilang dulang nawa'y (K)maging isang silo, at isang panghuli,
At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:
10 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita,
At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.

11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y (L)dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, (M)upang ipamungkahi sila sa paninibugho.

12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?

Juan 10:19-42

19 At (A)muling nagkaroon ng isang pagbabahabahagi sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito.

20 At sinasabi ng marami sa kanila, (B)Mayroon siyang demonio, at (C)siya'y nauulol; bakit ninyo siya pinakikinggan?

21 Sinasabi ng mga iba, Hindi sa inaalihan ng demonio ang mga sabing ito. (D)Maaari bagang ang demonio ay makapagpadilat ng mga mata ng bulag?

22 At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem:

23 Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa (E)portiko ni Salomon.

24 Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin.

25 Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: (F)ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin.

26 Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa.

27 Dinirinig ng (G)aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:

28 At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y (H)hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.

29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.

30 Ako at ang Ama ay (I)iisa.

31 (J)Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.

32 Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?

33 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa (K)pamumusong; at sapagka't (L)ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunuwari kang Dios.

34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa (M)inyong kautusan, (N)Aking sinabi, Kayo'y mga dios?

35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),

36 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na (O)pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; (P)sapagka't sinasabi ko, (Q)Ako ang anak ng Dios?

37 Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan.

38 Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon (R)kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa (S)na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama.

39 Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay.

40 At siya'y muling naparoon sa dako pa roon ng Jordan (T)sa dako nang una'y pinagbautismuhan ni Juan; at siya'y tumira doon.

41 At marami ang mga nagsiparoon sa kaniya; at kanilang sinabi, Katotohanang si Juan ay hindi gumawa ng tanda: (U)nguni't lahat ng mga bagay na sinalita ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.

42 At (V)marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya roon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978